Ang kapal ng mukha niyang sabihin sa kanya iyon ah. I-lock ko nga kwarto mamaya nang hindi siya makapasok. Tingnan na lang natin. Nag-iinit ako ulo. Kapag hindi ako nakapagpigil dito, sasabunutan ko siya. "Cry, Ella. Iiyak na iyan." Pang-aasar pa ni Ansel saka ko siya sinamaan ng tingin. "As if namang type kita," sabi ko at naka-ismid na tinulungan si Kia sa ginagawang pag-aayos ng plates sa sentro ng lamesa. "Akala mo pogi." Bumubulong pang dagdag ko na tinawanan ng katabi ko. "What did you just say?" hinarap ko ang lalaking nagsalita. "Hindi ako pogi? Saang banda?" pinagtaasan niya ako ng kilay. "Hindi ka naman siguro bingi para ulitin ko pa 'no?" maldita kong sabi at gaya niya pinagtaasan ko rin siya ng kilay. "Never pa akong napogian sa'yo." "Talaga ba?!" lumakas ang boses niya n

