Blossom "HAPPY MONTHSARRY Babe!" sigawan nilang apat ng makapasok ako sa condo ko. Kaya naman pala hindi siya nagre-reply, may pa-ganito siyang gagawin, nagtataka kasi ako dahil umaga pa lang nagme-message na 'yan, nagtaka ako na hindi siya nag-text maghapon ngayong araw tapos sa school hindi niya din ako pinapansin, gusto ko na nga magtampo mabuti na lang may surprise naman pala. May mga balloons pa sa sahig at nakasabit sa dingding, nandito rin 'yong tatlo niyang kaibigan. Lumapit naman siya sa akin at may bitbit siyang tatlong sunflowers. Kinikilig pa rin talaga ako sa mga paganito niya. Inamoy ko naman 'yong bulaklak bago ko siya niyakap. Ang bango talaga ng bebe ko. Hays. "Thank you, babe." Ani ko pa dito habang kayakap ko siya. Hinarap ko naman siya at hinalikan si pisngi.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


