Blossom "W-wala, babe. S-Sige na pumasok ka na sa loob." Kailangan ko munang puntahan ang taong 'yon. "Nga pala, babe. Baka hindi kita masundo mamaya. May lalakarin lang kasi ako." 'Yon ang huling sinabi niya bago umalis. Nag-iisip pa rin kung may nangyari ba? Kung bakit parang balisa ito kanina? Hindi din ako mapakali kaya tinawagan ko na siya pero hindi ito ma-contact, kaya si Gab naman ang tinawagan ko. Tatlong ring muna siguro bago nito nasagot. "Hello, Gab." Tinanong ko na kaagad dito ang pakay ko. "A-alam mo ba kung nasaan si Kristel?" tanong ko rito. "Ah, okay sige. Salamat." Pumunta raw sa kanila si Kristel at umuwi na rin daw kaagad. Bakit kaya hindi siya tumatawag or nagtetext? Usually kasi kapag ganitong oras at hindi niya ako nasundo. Tatawag 'yon or magtetext kung nasa

