Surprise - - Tahimik kaming nakauwi ng araw na iyon, at naging tahimik din kaming dalawa ni Drake. Sapat na sa akin ang lahat, at hindi na mahalag ang ibang bagay pa. Hindi ko na rin nakita si Tito Fernando. I know they called him Eagle for a nickname. Naging tahimik din si Carmella pagdating sa usaping Ama, kaya hindi na ako nagtanong pa. - The first two days was an adjustment after I knew whom my real Mother is. Hindi pa ako muling dumalaw sa bahay ni Tito, dahil ayaw ko pa at gusto ko lang din na magpahinga. Tinawagan ko na rin sina Nanay at Papa at pinaalam ito. Video call pa nga ang nangyari sa amin, at panay lang din ang pahid ng luha ni Nanay nang makita ako. - Ang akala ko matigas ang puso niya, pero mas mahina pala ang luha ng mga mata niya. Masaya sila na nakilala

