"A mother's love will never end, it is there from the beginning to end." . Kinilabutan pa ako nang makita ang kabuuan ang bahay niya. And as usual, nakalinya ang mga tauhan niya sa labas. Sumenyas si Diego sa kanila at may lumapit na matangkad at malaking pangagatawan na lalaki sa amin. . "Madam," sabay yuko niya sa akin. "I'll escort you inside," sa seryosong tugon niya. . Tumango na ako at tipid na ngumiti. Pero mukhang mga tigasin ang mga tao dito, dahil ayaw makipag eye to eye contact sa akin. Nilingon ko na si Diego, at ngumiti na siya. Siya lang 'ata ang mapagkakatiwalan ko dito. . Pumasok na kami sa loob at tanging yapak lang ng sapatos namin ang maririnig mong tunog mula dito. Hanggang sa napako kami sa isang malaking pinto, at binuksan na niya ito. Yumuko lang siya at

