Half-brother - - Namulat ako sa ikalawang pagkakataon. Ang buong akala ko ay nasa langit na ako dahil sa panaginip ko kanina. Lahat kami ay nakaputi, at nakikipaglaro pa ako sa mga tao na naroon. Hanggang sa may tumawag ng pangalan ko, at naimulat ko na ang mga mata ko. - Hilong hilo pa ang ulo ko at ang bigat ng tulikap ng mga mata ko ngayon. "Betty..." boses ni Drake ito. - Panay ang halik niya sa mga kamay ko ngayon, at nakangiti lang ako na pinagmamasdan siya. Ang iv dextrose agad ang sunod kong nakita. Nasa hospital ako, at naalala ko lang din ang nangyari. - "Si Papa?" - Hindi na siya nagsalita at mas napapikit matang dinama ang palad ko sa mukha niya. Nanlumo na ang puso ko, at pumatak na naman ang luha ko ngayon. Kailan ba matatapos ito? Ayaw ko na 'atang tumira

