[Rain Castanova] Para talagang baliw si Tristan. Kumuha pa siya ng tatlong bote ng alak, marami pala siyang dala at nasa maletang dala niya ito nakatago. Limang Jack Daniels ang kailangan naming ubusin. As if namang malalasing kami. We're all werewolves that's why alcoholic liquors won't have any effects on us. Ito rin ang magiging first time kong makakainom ng alak kaya medyo kinakabahan ako, but anyway I'll going to enjoy this na lang. "Ladies first! Alex, ikaw muna." Pabilog ang pwesto namin kaya kung si Alex ang mauuna ang magiging sunod ay si Tristan tapos si Vee tapos si Ivan tapos ako at ang huli ay si Luke. Mabuti nalang at nahuhuli ako kaya may pagkakataon pa akong makapag-isip sa laro naming Never Have I Ever. "Fine. I've never made out with a girl," nakangising sabi ni Alex.

