[Rain Castanova] Tanging ang tunog lang ng wall clock ang maririnig sa buong salas. Gabi na at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakakauwi. I want to ask him about his family. Tutal nagbabago na siya at nagkakalapit na kami kahit papano, so pwede na siguro kaming pumunta sa getting to know each other stage. Right? Napatayo ako sa aking pagkakaupo sa sofa nang marinig ko ang paparating na sasakyan at ang pagparada nito. Kinakabahan ako. Bumukas ang pinto ng front door at seryosong napatingin si Luke sa gawi ko, he looks exhausted too. "Why are you still awake?" tanong niya. Napahawak ako sa braso ko bago sumagot. "Iniintay ka." Hindi siya sumagot nakatitig lang siya sa akin at palagay ko ay mahihirapan ako nito. Luke is a mysterious and cold guy and that combination is quite dangero

