Chapter 5: Cold mate

1798 Words
[Rain Castanova] Ilang beses kong tinitigan ang sarili ko sa harapan ng salamin. Nagtataka ako kung bakit nagtatagal ako dahil lang sa pagpili ng maisusuot ko ngayong araw na ito. Ilang beses kong sinuklay ang buhok ko pero hindi pa rin ako mapakali. Mga babae talaga. Nagpalit ulit ako ng damit. Isang plain white fitted na shirt at isang dark washed jeans at black na converse ang napili ko. Alas siyete na ng umaga, siguro bago mag-alas otcho ay nandoon na lahat ng kasamahan ko sa pack house para magbigay bati sa mga bisita. Sinuklay ko ulit ang aking kulay brown na buhok na hanggang bewang ang haba. Nagmadali akong lumabas ng kwarto at patakbong lumabas ng bahay. Napapaisip ako kung anong itsura ng Alpha ng Hollow Moon Pack dahil balita ko ay ruthless ito at kinakatakutan kahit ito ang pinakabata sa lahat ng Alpha. ××× Napahinto ako nang mapansin ko na isa lang ang nakaparadang sasakyan sa harap ng aming pack house. Isa itong itim na Porsche. Grabe, gusto ko ang ganoong klase ng kotse pero ayaw ni Dad na bumili ako dahil hindi ko raw magagamit! He's just unfair! Nang bubuksan ko na ang pinto ng pack house ay napahinto ako. His mint scent lingered everywhere! Napalunok ako ng ilang beses nang makaramdam ng kakaiba. Nanginginig kong pinihit ang sedura ng pintuan at kasabay nang pagbukas ay ang malakas na lagabog na nanggaling sa itaas. Bakas ang gulat sa kanyang itim na itim na mga matang nakatingin sa akin. Mula sa second floor ay pinasadahan niya ako ng tingin, mula ulo hanggang paa at saka ulit huminto ang kanyang tingin sa aking mga mata. Napalunok ako. Hot. "Anong problema? Bakit lumabas ka kaagad?" tanong ni Alpha Nick na kakalabas lang ng kanyang opisina kasunod niya ang kanyang asawang si Luna Sophia. The person who was standing outside the room on the second floor was so handsome. I had to resist the urge to check if I was drooling! Argh, come on Rain, get a grip of yourself! Ang lalaking iyon ay mayroong itim na buhok na bumabagay sa kanyang mga mata na kung tumingin ay nakakaputol ng hininga Matangkad siya at mula sa kinatatayuan ko ay ramdam ko ang pagiging misteryoso ng kanyang dating. His muscles big, but not gross. His pinkish lips were so inviting and I couldn't help myself but to gulped when he licked his bottom lip. Ang suwerte ko! I found my mate! "Wala. Pasensya na ituloy na natin ang pinag-uusapan natin," ang malamig na boses niya ay nagdala ng kakaibang sensasyon sa aking katawan. Pinutol niya ang aming titigan at pumasok ulit sa loob ng opisina ng aming Alpha. Sinundan siya ni Alpha Nick na hawak sa kamay ang kanyang asawa. Napasandal ako sa hamba ng pinto habang nakatingin sa nakasaradong pinto ng opisina sa itaas. His stares at me almost made my legs wobble what more if he touch my hands? Will I survive this overwhelming feelings when he's around? "Rain!" Napalingon ako sa aking kaliwa kung nasaan ang living room. Kumakaway sa akin sina Vee at Alex at napansin kong malaki ang ngiti ng mga ito. Bumuntong hininga ako at naglakad papalapit sa dalawa. I sat down on the sofa next to Vee, katabi naman niya si Alex. Hindi pa rin mawala ang kanilang abot tengang mga ngiti. Napabaling ang tingin ko sa aming harapan. May nakaupong dalawang guwapong nilalang. Ang isa ay may seryoso mukha at katabi nito ay may pilyong ngiti sa labi. Binaling ko ulit ang katabi kong si Vee at nakita ko kung paano kumislap ang kanyang mga mata. Okay. I get it. "Hindi ni 'yo ba ako ipapakilala?" pagkatanong ko ay mabilos na nawala sa tabi ko ang dalawa kong kaibigan. Nilingon ko ang dalawang lalaki sa harapan, nasa kanilang mga hita na ang aking mga kaibigan. Napailing na lang ako pero masaya ako dahil nahanap na nila ang mga magmamahal sa kanila habang-buhay. "So?" panimula ko dahil mukhang walang gustong magsalita sa kanilang apat. Grabe silang magtitigan sa isa't isa, na-iinggit tuloy ako. Sana ay ganyan rin kami ng lalaking may itim na mga mata. Kinakabahan ako kapag natapos na silang mag-usap ng aming Alpha. "Rain, siya ang mate ko na si Ivan Castillo ," sabi ni Vee na panay pa rin ang kinang ng mga mata habang nakapulupot ang kanyang kamay sa batok ng lalaki. So, Ivan ang pangalan ng lalaking may seryosong mukha. "Rain, siya naman si Tristan Montecillo," pagpapakilala ni Alex sa lalaking nakayakap sa bewang niya habang nakadukdok ang mukha nito sa leeg niya. "E-ehem," tumikhim ako kaya napatunghay si Tristan at tumingin sa akin. "Nice to meet you, Rain," he said and then smiled at me. I just gave him a nod. Lumipas pa ang ilang minuto na naglalandian pa rin sila sa harapan ko, ni hindi man lang ako pinapansin ng mga kaibigan ko. Wow. "Your lips look lonely, would they like to meet mine?" may pilyong ngiti si Tristan habang nakatingin kay sa namumulang si Alex. Kumindat pa si Tristan kaya mas namula pa ang pisngi ng kaibigan ko. Pasimple akong napairap dahil sa nasaksihan ko. Geez. "You're corny," nakangiting sabi ni Alex. "If you're cheesy we could be popcorn," paghirit pa ni Tristan. Corny. Napatigil ako sa pagtingin sa kanila dahil may naramdaman ako sa aking likuran. Pakiramdam ko nag-iinit ang likod ko, may nakatingin. Lumingon ako sa aking likuran at napalunok ako sa aking naabutan. His gaze was cold and hard as he looked at me. "Keep it PG thirteen," malamig ang kanyang boses pero iba ang dating no'n sa akin. Naglakad siya papunta sa aming puwesto. Hindi siya nakatingin sa direksyon ko kaya natititigan ko siya ng mas mabuti. Maitim at may kahabaan ang kanyang buhok niya, ang itim niyang mata ay seryoso at pagod na nakatingin lang ng diretso. Nakakainggit ang mahaba niyang pilik mata. Manipis ang kanyang labi na mamula-mula. I wonder what it taste like. Even though he is wearing a plain black t-shirt, I could still see the outline of his defined chest and stomach. Mabilis along napahawak sa aking labi. Mabuti na lang at hindi ako naglalaway sa pagtitig ko sa kanya. Napalunok ako nang huminto siya sa gilid ko, hindi pa rin tumitingin sa akin. I could smell the woods on him, which made my wolf even more perkier. Magsasalita sana ako para kamustahin siya at para makapagpakilala na rin ngunit tumikhim siya para makuha ang atensyon ng apat na may sariling mundo. "Ivan, Tristan pack your things dahil aalis na tayo," seryoso niyang utos. I could feel the authority in his voice. "Yes, Alpha," the two answered in union. Oh s**t. He's the Alpha?! I blinked thrice trying to suck up the fact that my mate is the Alpha of the strongest pack here in Asia! Pero bakit hindi ko maramdaman ang malakas na aura sa kanya para masabing isa siyang Alpha? Akala ko ay siya ang Beta. Napailing ako dahil sa tumatakbo sa isipan ko, hindi tamang pag-isipan ko ng kung ano ang aking mate. "I, um. P-puwdeng magpaalam muna sa parents ko?" nahihiyang tanong ni Vee na mahigpit ang hawak sa kamay ni Ivan. "Make it quick," pagkasabi niya no'n ay umalis na silang apat. Napalunok ulit ako nang maiwan akong nakaupo at nakatingin lang sa kanya. Sinundan ko ang bawat galaw niya. Hanggang sa maupo siya sa gilid ng sofa na kinauupuan ko. May ilang pagitan ang naghihiwalay sa amin. I hate it! Gusto ko siyang yakapin pero natatakot ako. What if, ayaw niya sakin? Kaya ganito siya sa akin? Cold. "Bakit hindi ka pa kumilos? Magpaalam ka na rin sa mga magulang mo. You're going with me." Alam kong masamang mag-assume pero naramdaman ko ang lambing sa boses niya sa huling salita na sinabi niya. ××× I fiddled with my fingers as I looked out the car's window and examine the grayish mansion in front of me. It's nice, surrounded with green grass and trimmed bushes with tulips. Hindi ko akalain na sa apat na oras na biyahe ay walang usapang namagitan sa amin ng lalaking itinadhana sa akin. Malaki ang pack house nila kung ikukumpara sa amin at hindi maikakaila na sila ang may pinakamalaking teritoryo. Ipinarada niya ang kanyang kotse at naunang bumaba, leaving me alone inside thw car and I just sighed. Naalala ko iyong kanina bago kami sumakay ng kotse at umalis sa pack namin. "Dude, she's your mate right?" narinig kong tanong ni Tristan sa mate ko. Napatigil ako sa pagc-check ng mga gamit ko dahil gusto kong malaman ang isasagot niya. "Don't remind me," he coldly answered as if finding me was nothing. I gasped. I was confused didn't he want me? "Rain, right? Gusto mo tulungan na kita?" Napalingon ako kay Ivan, hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala siya. "Ah, h-hindi na kaya ko na," sagot ko at nginitian siya bago ako lumakad palabas ng pack house. Nasa labas sina Tristan at Alex na masayang naghaharutan habang si Vee naman ay nakayakap sa mga magulang niya. Napadako ang tingin ko sa itim na Porsche, nakasandal siya roon habang nakapikit. Palagay ko ay dinarama niya ang sariwang hangin. Malamig ang lokasyon ng aming lugar ang ibang packs ay dumarayo pa sa amin para mag-relax. "Let's go," nabigla ako nang magsalita siya. "Tara na," naramdaman ko ang kamay ni Ivan sa balikat ko. "Pagpasensyahan mo na si Luke, ha." Ah, Luke pala ang pangalan niya. "Umm, kasya ba tayo sa sasakyan ni 'yo?" nahihiyang tanong ko. "Silly. Hiniram namin ang isang kotse mula kay Alpha Nick at doon kami nila Tristan sasakay kasama ng mga kaibigan mo. Kayong dalwa lang ni Luke sa kotse niya, good luck." Nakarinig ako ng katok mula sa bintana ng kotse, naabutan kong nakangiti si Vee habang kumakaway sa akin mula sa labas. Bumaba na ako at nginitian silang apat. Mabuti na lang at hindi pa rin kami magkakahiwalay na tatlo dahil nasa iisang pack lang ang mga mate namin. "Rain, alis na kami kita na lang tayo mamaya. Bye," pagpapaalam nila sa akin at naglakad na paalis para magtungo sa bahay ng kanilang mga kapareha. Mabigat ang pakiramdam kong naglakad papunta sa bagong pack house na titirahan ko. Habang naglalakad ay iniisip ko kung bakit hindi pa ako dinadamba ng yakap ni Luke. Sa lahat ng kuwentong narinig ko ay palaging nagyayakapan ang mga magkapareha kapag nahanap na nila ang isa't isa. But maybe, my story is not like them. . . maybe, mine is unique. Pagbukas ko ng main door ay ganoon na lang ang pagkagulat ko dahil nasa harapan ko na si Luke kaya kumabog nang husto ang dibdib ko. Seryoso ang mga mata niya habang nakatingin sa akin kaya napalunok ako ng ilang beses dahil na rin sa kaba. "Nasa kanang bahagi ang kuwarto mo, sa dulo ng second floor," malamig na sabi niya at naglakad na paakyat sa kaliwang parte ng second floor. Bakit masyadong malayo ang kuwarto namin sa isa't isa? Akala ko ay magsasalo kami sa iisang kwarto o kaya ay malapit lang ang magiging kuwarto ko sa kanya? Ayaw ba niyang malapit sa akin? I blinked my eyes, trying to get rid of the tears. ×××××
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD