[Narrator] "Bakit mo nagawa sa akin ito? Why did you lied to me?" Paos na tanong ni Rain sa lalaking kaharap niya ngayon. Ikalawang araw na niya sa madilim na selda at sa tingin niya nasa ilalim ng lupa ang kinalalagyan niya katulad ng mga kulungan sa pack nila. Walang pagkain na dumaan sa kanyang lalamunan at tanging tubig lamang ang pumapawi sa gutom niya kaya naman nanghihina siya. Wala siyang maayos na tulog dahil nakagapos siya ng patayo at nangangawit na rin siya sa posisyon niya. Hindi na niya nakita ang lalaking tinatawag nilang Master dahil hindi ito bumababa para tingan siya samantalang ang babae namang may itim na kapangyarihan ay palagi siyang pinupuntahan para lamang pahirapan siya gamit ang itim na usok. Sa tingin niya ay isa itong witch dahil sa nagagawa nito. "Answer m

