Chapter4

653 Words
cameron point of view. Kinakabahan akong iniharap si elif kila mom dad at lola habang sila ay nasa garden para sa dinner. Tinignan nila si elit mula paa hanggang ulo, tipid na ngumiti si dad at si lola at tumango tango lang habang si mommy ay. Wag na natin tanungin Hello po manooo po!"magiliw niya na sabi at inabot ang kamay ni lola at dad na gulat sa kinilos ng babae, aabutin na sana ni elif ang kamay ni mommy ng ito ay umiwas. My bussiness kayo? Company?"unang tanong ni mom, nawala ang ngiti ni elif at tumingin sa akin para manghingi ng tulong. Wala, pero may karenderya po ang nanay ko"napapikit ako ng magsalita siya. Napasinghal si mommy at mukang hindi nito nagustuhan ang sinagot ni elif. Saan talipapa mo ba nakuha tong babaeng 'to cameron?"tanong ni mom sa akin. Mercedez nasa harapan tayo ng pagkain"seryoso na sabi ni lola, sa bahay ay siya ang nasusunod. Napairap nalang si mommy. Inalalayan ko siya umupo pero sinamaan niya ko ng tingin at kusa ito na umupo. Dinampot nito ang bowl ng kanin ng walang kagatol gatol at nagsandok sa kan'yang plato, tutok ang mata ng lahat sakan'ya lalo nasi mommy na di makapaniwala at napapasinghal nalang. Paabot po ng chicken curry pls"aniya nito kay mommy, napaturo sa sarili si mommy at sarkastikong tumawa. Wag mo 'kong utusan, satin dalawa mas muka kang kasambahay tsk gold digger"reklamo nito kaya napahinga ako ng malalim at tumayo para kunin ang mangkok ng chicken curry. Plsss konting manners"bulong ko ng inabot ko sakaniya ang bowl, napairap siya pero bumulong din. Di ako nakapag umagahan at tanghalian dahil sayo! Gutom ako"nagsandok ito ng ulam at kumain na para bang nasa karenderya lang nila. Tignan mo kung gaano kapat*y gutom 'yang babae na 'yan!"bulong ni mommy. A-ahh, nasa stage pa s'ya ng paglilihi kaya gan'yan siya ka gutom"naibuga nito ang kinakain mabuti nalang at nasapo nito ang sariling bibig. Kinuhaan ko siya ng tubig at hinimas ang likod. Halata ang gulat sa muka nila dahil hanggang ngayon ay hindi sila makapaniwala. Is it true that she's preggy?"tanong ni lola. Y-yes lola"kabado kong sagot, napangiti ito na hindi ko inaasahan. Im sure hindi anak ni cameron yan kung sakali ngang buntis"pasaring pa ni mommy. Teka, nasan nga pala si denver?"hanap nila sa nakababata kong kapatid. Nasa kwarto niya po sr"sagot ng kasambahay namin. tell him to come down here for dinner"utos ni dad at pumihit paalis ang kasambahay namin. Kumain ka lang hija"aniya pa ni lola na kilala ko bilang striktang matanda pero mabait, kusa akong napangiti. Shalamat po!"sagot nito kahit puno ang bibig Tsk, ugaling squammy"bulong ulit ni mommy pero dinig na dinig naman namin. Napatingin si lola sakin at napailing iling habang nakangiti Wow dinner na pala bat di niyo ko tinawag!"umupo sa tabi ko si denver ng makalapit sa amin, hes 8yrs old my younger siblings. You're busy playing denver"aniya ni dad. Mahinang niyugyog ni elif ang kamay ko kaya napatingin ako sakaniya. Palit tayo dali dito ka"bulong niya kaya napakunot ang kilay ko pero tumayo ako at nagpalit kami ng pwesto. Grabeeee boy ang taba ng pisnge mo!"nagpalipat lipat ang tingin ko kila dad mommy at lola na nagulat din sa pangyayari. Mashaket"aniya ni denver habang pisil pisil ni elif ang pisnge ng kapatid ko na tuwang tuwa. Inilapit ko ang bibig sa kaniyang tenga. Plsss elif, umayos ka!"madiin kong sabi. Umayos siya ng upo at sumeryoso at tipid na ngumiti. H-hehe m-mahilig po kasi ko sa bata"sabi niya. Muli kong inilapit ang bibig ko sa kan'yang tenga para bulungan I will sure you na gan'yan din kataba magiging anak natin"bulong ko pa na ikinagulat niya at tumingin sa akin na may ilan inches lang ang layo. Halos maduling kami pareho dahil sa lapit ng muka namin dalawa. Nawalan na 'ko ng gana, feeling ko nasusuka ko"pasaring ni mommy habang nakatingin sa amin at nagmartsa paalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD