Chapter 19 "Bilis na Senyorita. Magkwento ka na." Napailing na lang ako sa kakulitan ni Nory. Sinama niya pa si Jenna. They are pretty hyped about it. "It was just a usual party Nory." I dismissed her. Last night was vagued. Pagkatapos magkitang muli ni Ikaros at ni Candance wala namang highlights maliban sa quick titigan portion nilang dalawa. Mabilis na nagaya si Ikaros na umuwi na and who I am to say no, eh ako nga ang atat nang umuwi. "Hindi eh." Umiling pa si Nory. Tahimik lang naman si Jenna na nakikinig pero halata namang curious din siya. "Napansin niyo ba ang titig ni Senyorito sa inyo pagbaba niyo ng hagdan? May something eh." Natawa naman ako. "Diba, Jenna? Parang iyong sa mga pelikula. Na star struck ba tawag don?" Napahagalpak na lang ako ng tawa. If

