Chapter 22 "Ma saan na naman kayo pupunta?" Tanong ko nang madatnan ko siyang nagsisilid ng mga damit sa maleta niya. Nagmamadali siya at balisa pa. "Kailangan kong lumuwas malubha na ang Auntie Conching mo." Napaawang ang labi ko. Si Auntie Conching ang buong kapatid ni mama habang si Auntie Adora is her half sister. Hindi ako malapit kay Auntie Conching pero nagaalala ako. Nawala na si Auntie Adora ayaw ko namang pati si Auntie Conching. "Ma sasama po ako." Natigil naman siya sa ginagawa at marahas na bumaling sa akin. "Hindi pwede!" "Bakit po?" "Vida hindi ka pwedeng umalis lalo na at nandito na si Candace. Ako na ang bahala kay Conching. Dumito ka lang at gawin mo ang plano. Do you get me?" When she's done packing her things we immediately went down.

