Chapter 7 Naglabas si Ikaros ng isang puting kabayo mula sa kwadra. Makintab ang balat nito halatang alagang alaga talaga. Nakamasid lang ako habang nilalagyan niya ng bridle at saddle ang kabayo. He made me wear safety gears too. Syempre concern siya sa future wife niya. Napahagikhik naman ako sa isip ko. "Ito si Atlanta. Pitong taon na siya dito." Sabi ni Ikaros. "She's beautiful." Sabi ko. Ngumiti naman siya. Pumunta ka sa malawak na kapatagan na bahagi parin ng hacienda. Nagsama siya ng isang tao. Medyo mas bata ito sa kanya, si Kaloy isa sa mga nangangalaga sa mga kabayo. Kung tama ang bilang ko they have six horses back there. "Handa ka na?" Tanong niya sa akin. I smiled nervously. "Huwag kang matakot. Hindi kita hahayaang mahulog." He flashed his dashing s

