"Sir, naghihintay na po ang mga taga-Wise & Co. sa conference room," bungad ni Oswald nang salubungin niya si Keith. Kakalabas lang niya sa sariling opisina upang suotin ang navy blue coat. "Okay." Tumango siya. "Nakahanda na rin ba ang lahat ng contracts?" "Yes, sir. Hindi na umimik si Keith. Mariing magkalapat ang kanyang mga labi na tila isang linya lamang. Hindi niya maikakaila na nagwawala pa rin ang kanyang kalooban hanggang ngayon. Nakaukit pa rin ang luhaang mukha ni Irish at kung paano siya nito tinalikuran kanina sa hotel. Pero wala siyang magagawa ukol dito dahil may kailangan siyang harapin. Binuksan niya ang pinto ng conference room. Isang grupo ng mga nakasuot ng button-down longsleeve shirt ang kanyang nabungaran. Ngunit bukod tangi ang isang lalaki sa mga ito. Nakas

