Kahit nagmula pa si Keith sa ibang ‘bahay’ nang umagang iyon ay maaga pa rin siyang pumasok sa opisina. Kung dati ay tumitigil siya kapag may kakausapin o babatiing empleyado, ngayon ay dire-diretso lang siyang naglalakd. Naririnig naman niya ang mga bati ng mga tauhan, gayunman talagang hindi niya ‘trip’ na pansinin ang mga ito. Magmula rin kasi noong umangat pa ang De Asis Construction ay mas lalo pa siyang naging mahigpit. Ayaw na niyang maulit ang mga pagkakamali dati. Pag-upo niya sa swivel chair ay naabutan sa kanyang mesa ang ilang patong ng malaking papel. Binasa niya ang title sa iba. Nakasulat dito na ang plano na iyon ay para sa Arella Meat Market Corporation. Ilang saglit pa at tumunog ang kanyang extension phone. Dinampot niya ito habang pinag-aaralan pa rin ang disenyo ng

