Makailang beses na kumurap si Keith nang umupo siya sa kutson. Napahawak siya sa kanyang batok habang nakakunot ang noo sa kanya. “May nangyari na sa ‘tin kagabi. Hindi ba pwedeng ulitin ‘yon?” Nanginit ang mga pisngi ni Irish. Kahit malaki ang suot niyang T-shirt ay hinablot niya ang kumot upang takpan ang kalahati ng katawan. “Ano ka ba? Wala. ‘no!” “Huh? Eh, bakit nakahubad ako. Ikaw naman walang suot na—” “Kasi nilabahan ko!” sabat ni Irish. “Look, pinupunasan kita kagabi kasi sobrang wasted ka. Hindi ko naman ma-take na nanlalagkit ka habang natutulog. Kaya tinanggal ko ang lahat ng suot mo. Hindi ko naman ini-expect na matatapunan ako ng tubig kagabi. 'Yan tuloy, nabasa ang damit ko hanggang underwear. Wala naman akong nakitang extra boxer sa gamit mo kaya T-shirt lang ang nasuot

