Kabanata 41.

831 Words

"Nasaan ako?" Napasinghap si Irish nang siya'y bumangon sa hindi pamilyar na higaan. Kagigising lang niya ngunit kay bilis ng pintig ng kanyang puso, wari'y tumakbo sa marathon. Ngunit batid niyang hindi siya doon nanggaling kundi sa isang aksidente kasama si… "Keith." Napansin niyang nakasuot pa rin sa kanya ang malaking business suit ng binata. Mariin niyang kinagat ang labi habang lalo niyang ibinalot ito sa kanyang katawan na parang security blanket. Ang malinis na halimuyak ng pabango nito'y nakatutulong upang hindi siya tuluyang mataranta. "Keith, where are you?" Isang babaeng nurse ang naghawi sa berdeng kurtina kung saan siya nakaupo. Doon niya nakita ang bahagi ng kinaroroonan. Sa bandang dulo ay nakailaw ang salitang ER. Lahat ng nurse ay may kanya-kanyang inaasikaso na pasyent

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD