Pakiramdam ni Irish ay ibang tao siya nang humarap sa life size mirror. "Wow naman, ma'am. Bagay na bagay sa 'yo ang wedding dress na 'yan," masiglang komento ng isang sales assistant doon sa Jenna's Bridal, isa sa mga sikat na bridal shops sa Maynila. "Are you really sure about that?" nag-aalangang tanong ni Irish habang nakatulala pa rin sa salamin. "Pang-anim na sukat ko na 'to, eh." "Yes, ma'am. Actually sa lahat ng sinukat ninyo, 'yan ang pinakabagay! Sobrang naha-highlight 'yong curves n'yo diyan sa mermaid style ng gown." "Thanks.” Pilit na ngumiti si Irish. Hindi niya maintindihan ang sarili. Dapat ay masaya siya dahil sa wakas ay naroon na sila sa parteng nagsusukat ng damit pangkasal. Sunod-sunod na ang hakbang nila ni Keith patungo sa simbahan. Ngunit simula noong makipa

