Ilang minuto nang nakatayo si Keith sa harap ng opisina ni La Diva ngunit ni hindi pa siya kumakatok. Ganoon na lamang ang pagtataka niya dahil dito siya pinapunta. Samantalang base sa appointment na ibinigay sa kanya ay sa regular na meeting room ang exam. Ngunit mula nang pumasok siya sa RnJ building kanina ay wala pang kapwa husbando na namamataan.
Sumulap siya sa wristwatch. Pasado alas-nuebe na ng gabi. Sino pa ba ang nagtatrabaho nang ganoong oras? Kahit nga ang mga security guard sa ground floor ay bawas na. Sarado na rin ang ilan transparent na pintuan at naka-switched off na ang mga ilaw sa corridor. “Mukhang wala na yatang tao rito. Hindi kaya nagkamali lang ako sa pagbasa ng schedule ko?”
Habang tumatagal ay nadaragdagan ang kanyang pag-aalinlangan kaya sumagi sa isip niyang umurong na muna. Ngunit akmang pipihit na siya’y biglang bumukas ang pinto. Inihayag nito ang nakakasilaw na kagandahan ni La Diva. “How long have you been out here?”
“Kadarating ko lang.” Luminga muna sa pasilyo si Keith. Umaasa siyang may darating pang iba na husbando. “Ako na lang ba ang hinihintay? Nariyan na ba ang mga kasama ko?”
Napahalakhak si La Diva. “What? No way. Ano ‘to? Orgy?”
“Anong ibig mong sabihin?”
“Nevermind. Just get in here.” May bahid ng pagkainip ang tinig ni La Diva. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at hinila na si Keith sa loob ng opisina.
“Lock the door, darlin’,” utos ni La Diva. Naroon na kasi siya sa likod ng mesa ngunit nakatalikod sa kanya. Tila may pinagkakaabalahan ito sa hanay ng counter kung saan nakapatong ang ilang displays pati na ang thirty-two inch na LED TV.
“S-sige.” Bagaman hindi sang-ayon, ginawa ito ni Keith. Pagka-click ng pinto ay umupo na siya sa leather chair na kaharap ng mesa ng babae. Nilinga niya ang kabuuan ng opisina. Malawak ito at palibot ng makakapal at kulay pula na kurtina. Kahit ang carpet ng sahig ay pula din. May mga nakasabit na paintings at karamihan sa mga ito’y mga abstract ng mga hubad na katawan. Nahahayag man ang mga sensitibong parte ay mukha pa ring classic at sopistikado.
Biglang nasira ang focus ni Keith sa mga dekorasyon. Paano’y nalanghap niya ang isang matamis at masarap na pabango. Tila pinaghalong vanilla, mga talulot ng bulaklak, at butter; amoy na nagpapabuhay sa kanyang pag-iisip.
“Mahilig ka siguro sa mga pabango…”
Lumingon si Keith kay La Diva. Nakangiti itong nagwiwisik sa leeg. Naglagay din siya sa mga pulsuhan saka ipinatong sa counter ang ginintuang bote ng pabango.
“Medyo.” Nagkibit-balikat lang si Keith. Ngunit aminado siyang may impact ang amoy nito sa kanya. “Huwag mong sabihing extension ‘to ng klase mo tungkol sa mga pabango?”
Naiiling na ngumisi si La Diva. Tunay na nakakatawag ng pansin ang pantay-pantay nitong mga ngipin. Sa kabilang banda, pakiramdam ni Keith ay may bahid ng panganib ang pagkatao nito. Lahat ng kilos ng babae ay may kahulugan. Tila nais nitong makipaglaro sa isip, tila gustong makipaglaro ng apoy.
“No, darlin’. That would be so boring.” Isa-isa nitong tinanggal sa pagkakabutones ang suot na coat habang malagkit na nakatingin sa kanya. “And believe me, I so hate boring stuffs. Ako ang babae na mahilig sa adventure.”
Literal na huminto sa paghinga si Keith nang ihagis ni La Diva ang malambot na damit nito sa kanya. Natuod ang kanyang mga kamay ngunit pinilit igalaw ang isa upang ibato ito sa mesa. “Ano bang ginagawa mo?” May bahid ng iritasyon ang boses niya ngunit ramdam niyang bumilis ang daloy ng kanyang dugo.
“This is what I do when I’m alone with the man I like.” Hindi pa nakuntento ang mapanuksong agent at ibinaba sa pagkaka-zipper ang pencil cut niyang palda. Hindi niya pinuputol ang pakikipagtitigan kay Keith habang pinupulot ito sa sahig. “You’re lucky because that’s you.” Itinapon din niya ang palda sa binata.
Mabuti na lang at nahulog lang ito sa paanan ni Keith. Kung hindi ay baka ibato niya pabalik kay La Diva kasama ang coat nito upang pagbihisin ang babae. Todo ang buga ng aircon ngunit nagsisimula nang tumagaktak ang pawis niya. Kahit ilihis niya ang mga mata ay malaya nang naglalayag ang isip niya at ipinapakita sa kanya ang mga maaari pang mangyari.
“I’ve been thinking about your offer, darlin’. What if we actually hook up one time?” Mabagal na humakbang si La Diva sa palibot ng mesa papalapit sa kanya. Tila isa siyang madulas na ahas na handang manuklaw anumang oras.
"Mabuti pa, umalis na ako." Nagngangalit ang panga ni Keith nang tumayo siya. Hindi niya batid kung makatatagal pa sa silid na 'yon. Mas masahol kasi sa isang torture ang pinapalasap ng babaeng gumigiling sa kanyang harapan. Tila wala itong buto habang sinasabayan ang malamyos na musika sa background. May kaluluwa pa rin kaya ito?
"Hey, where do you think you're going?!" Lubhang mabilis talagang kumilos si La Diva dahil nakaharang na agad siya sa pintuan. “As long as I don’t declare we’re done, you’ll stay your good ass here! Kung hindi, ibabagsak kita at lahat ng pinaghirapan mo, masasayang lang.”
Nagsalpukan ang mga kilay ni Keith. “Kasama pa ba ‘to sa practical test? O baka ginagamit mo ang posisyon mo para akitin kung sinong gustuhin mo?”
Humalakhak si La Diva. “This is my job, so don’t complain.” Batid niyang distracted na si Keith sa dibdib niya kaya naitulak niya ang binata pabalik sa upuan. Ganoon naman talaga ang mga lalaki. Pare-parehas ng kahinaan. At nasisiyahan siya kapag pinaglalaruan niya ang kahinaan ng mga husbando.
Kumandong kaagad si La Diva sa binata bago pa muling magreklamo ang kanyang ‘flavor of the night’. “Just sit back and enjoy the show, darlin’. Nagsisimula pa lang tayo.”
Hindi batid ni Keith kung ano ang ibig sabihin ng ‘succubus agent’ na iyon. Tila blanko na kasi ang kanyang utak. Napansin na lang niya na kinuha nito ang remote ng TV at pinindot ang power.
“I usually hire an assistant when I want to please my man. But now, I think a little steamy background is enough to set us both in fire. What do you think?” bulong ni La Diva sa kanyang tainga. Napangisi siya nang mapansing nakatulala na lang sa pinapanood ang lalaking inuupuan niya.
Ang buong akala ni Keith, ang dating nobya niyang si Winona ang pinakamapusok pagdating sa panunukso. Ngunit ngayon niya napagtanto na walang-wala ito kay La Diva. Ni wala sa kalingkingan nito dahil wala pa nga itong ginagawa, ramdam na niya ang pagsakit ng puson.
At ngayo’y mas malaking torture ang kanyang pinagdaraanan dahil habang hinahaplos nito ang kanyang buhok at bumubulong ng maruruming salita sa kanyang tainga, malayang ipinapalabas ang isang p**n film sa malaking TV. Dalawang matitipunong mga lalaki ang magkasalo na nagdidiliryo sa sarap na babae. Nakatodo ang volume nito kaya kahit ang pinakamahinang halinghing ng tatlo ay nahahagip ng kanyang pandinig.
“Legal pa ba ang ginagawa mong ito, ma’am?” wala sa sariling tanong ni Keith. Mabuti na lang at may parte pa sa isip niya ang matino, gayunman tila may sariling buhay ang mga kamay niya dahil nakaalalay na ang mga ito sa maliit na baywang ng babae.
“It’s legal when it feels good. By the way, hindi ka ba naiinggit sa pinapanood mo? Tell me, when was the last time you’ve slept with a woman?”
Hindi sumagot si Keith. Ngunit nais niyang murahin ang sarili dahil kusang nagre-react ang kanyang katawan. Naramdaman din ito ni La Diva.
“You are rock hard, darlin’. I believe it’s because of me.” Muling hinagod ng mga daliri ni La Diva ang buhok ng umuusok na si Keith. “May aaminin ako sa ‘yo. I’m dripping wet down there. And guess what, it’s for you.”