Kabanata 4

2007 Words
“Welcome back sa Pinas, Irish!” “Shhh! Quiet, Sugar…” Kulang na lang ay busalan ni irish ng panyo ang malaking bibig ng kaibigan niya. Nanlalaki ang mga mata niya na nagmasid sa mataong bungad ng airport. “Did you just swallow a megaphone? Pwede ba, hinaan mo ang boses mo at baka may makakilala sa akin dito.” Inayos niya ang malaking shades na suot. “Oops! sorry. Wala nga pala dapat makaalam na bumalik ka na. Mabuti na lang at hindi ko nai-post sa sss,” nahihiya na ngumisi si Sugar.  Pinanliitan ni Irish ng mga mata ang kaibigan. “Pero nabasa ko ang post mo na papunta kang airport at may susunduing mahalagang tao.” “Hindi naman nila kilala kung sino ang tinutukoy ko ah!” depensa ni Sugar habang papunta sila sa kotse. Malaki ang luggage niya ngunit mabini niya itong hinihila-hila. “Nabasa mo rin siguro sa mga comment. Hindi ako kumanta. Nag-oo na lang ako sa tanong ng isa na jowa ko ang susunduin ko.” “Basta ang point, walang pwedeng makaalam na nasa Manila na ako, okay?” ani Irish. Nakasimangot siya ngunit nagliwanag ang mukha nang matanaw ang kotse. “God, I missed my baby so much.” Pinindot ni Sugar ang remote ng pulang kotse. Sumulyap siya sa kaibigan bago sila pumasok dito. “Sino ulit ang nami-miss mo? Itong Porsche or si Julio?” Natigilan sa pagkabit ng seatbelt si Irish. Dama niya ang pag-iinit ng mukha nang banggitin ng babae ang isang tao na matagal na niyang kinalimutan… o nais kalimutan. “Kailan ko ba tinawag na baby ang manlolokong ‘yon?” “Oo na! Sabi ko nga itong kotse mo ang baby mo, eh.” Nagsimula na si Sugar paandarin ang ignition at ilang minuto lang ay payapa na silang bumibiyahe sa highway. “Nga pala, sis…” Pasulyap-sulyap si Sugar kay Irish na nakatulala sa bintana ng sasakyan. “Kumusta naman ang business deals mo sa New York? Sorry ha kung nagtatanong na agad ako. Alam kong pagod ka pa. Pero excited lang naman akong malaman.” Mabagal na liningon ni Irish ang kaibigan. Mula sa pagiging blanko, unti-unting gumuhit ang matamis na ngiti sa kanyang mukha. “Successful, sis. Kaya within this month, magbubukas na sa NY ang limang branch ng Love’s World!” “Wow naman!” Halos langhapin ni Sugar lahat ng hangin sa loob ng sasakyan nang mapasinghap siya. “Omg, sis! Ikaw na talaga! Hindi ako makapaniwala na may branch na sa abroad ang jewelry company mo!” Hindi batid ni Irish kung matutuwa o maiinis sa kaibigan. Nakangiti siyang nakikita ang perpektong mga ngipin ngunit pinandidilatan niya ang kaibigan. “You know what, sis… kung nasa public tayo tapos ganyan kalakas ang boses mo, tatakpan na talaga kita ng panyo. Pwede bang kontrolin mo naman ang sarili mo kapag masaya ka?” “Sorry naman!” nakangiti pa rin si Sugar nang lumiko sila ng daan. “Eh kasi naman, tuwang-tuwa lang talaga ako kasi may bestfriend akong bilyunaryo.” Binigyan niya ng mabilis na sulyap si irish. “Hindi lang masyadong halata sa ‘yo. Kasi ‘yong mga ganong tao, kadalasan matatanda na tapos laging naka-formal getup. Ikaw naman mukhang fashion model na kaliwa’t kanan ang kontrata sa mga agencies. Tapos twenty-nine ka lang, ‘di ba?” Nagkunot ng noo si Irish. “So, anong pinaglalaban mo doon? Anong point?” Nagkibit-balikat si Sugar. “Wala naman. Alam mo naman ako, masyadong mema lang. Pero totoong proud ako sa ‘yo, sis. Pa-simple-simple ka lang pero hindi nila alam, ikaw ang owner ng pinakasikat na jewelry store chain sa Pilipinas.” “At saan mo naman nakuha ang info na ‘yan?” Natawa si Sugar. “Ano ka ba? Syempre nanonood din naman ako ng business news. At kagabi lang, nakita ko na ang Love’s World ang nasa top one! Pero mas masaya sana ako kung ikaw mismo ang napapanood ko na ini-interview at hindi ang nilagay mong CEO na si Suzie.” Matagal na nag-isip si irish baago tumugon. “Why? What about Suzie?” “Wala lang. Masyado kasing pormal ‘yang pinsan mo. Ni hindi ngumingiti. Magaling lang siyang magsalita sa public. “Yong bawat sinasabi niya, kapani-paniwala. Mas bagay kaya sa kanyang maging politician.” Napapailing na lang si irish sa tinuran ng kaibigan. Hindi naman niya masisisi na ganito ang impresyon nito sa kanyang pinsan. Halos magkakasama na sila buong buhay nila ngunit kahit kailan ay hindi naging close ang mga ito. “I understand you, Sugar. Pero, believe me, okay ‘yan si Suzie. Besides, deserving naman siya bilang CEO kasi siya ang pinakamasipag sa mga employee ko. Naaalala mo ba, no’ng nagkasakit ako? Hindi ba, siya ‘yong araw-araw na pumupunta sa ospital para i-report sa ‘kin ang sales? Not to mention, taga-sagot sa lahat ng emails ko.” “Trabaho naman niya ‘yon kasi. Sekretarya mo kaya siya,” nakangusong katwiran ni Sugar. “Yes, pero sino ang magtitiyaga sa pagbantay sa akin, pagbili ng gamot, pagbabantay buong gabi. Then sa umaga, papasok siya sa opisina at sa ospital uuwi?” “Oo na! Siya na!” Lalong tumulis ang nguso ni Sugar. “Malas lang, nasa Macao ako no’ng mga panahon na ‘yon. Kung hindi, ako sana ang mag-aalaga sa ‘yo. Malaki din naman ang utang na loob ko sa mama mo, eh. I mean, kay Professor Luz. Kung hindi niya ako ni-recommend sa scholarship program sa school, hindi ako makakapag-aral. Hindi sana ako makakapagtrabaho at magkakaroon ng panggastos sa mga spa. Siguro ang pangit ko kapag nagkagano’n!” “Seriously? Above all, ang beauty mo pala ang concern mo?” “Oo naman, ‘no. Well, syempre sunod ‘yong nagkaroon ako ng magandang social status sa buhay. Pati civil status ko, maganda rin. Happy ako sa marriage life.” Natigilan siya nang bangitin ang huling tinuran. “Ay sorry ulit, sis. Hindi bale, wala naman masama kung single ka pa rin kahit malapit ka nang lumagpas sa calendar.” Tinapunan ni Irish ng masamang tingin ang kaibigan. “Do you really feel sorry for me? O nang-aasar ka lang?” “Ikaw naman, binibiro lang kita. Na-miss kasi kita, eh.” Nag-peace sign si Sugar. “Alam ko namang wala pang pumapasa sa standards mo, eh.” “Wala akong standards, Sugar. Anong akala mo sa ‘kin? Mata-pobre?” “Hindi ‘yon. Ang gusto kong sabihin, wala pang nakakalagpas sa level ni Julio sa puso mo,” paglilinaw ni Sugar. “Sabagay, naiintindihan kita. Of course, kung kukuha ka ng kapalit ni baby… este ni Julio, dapat ‘yong mas guwapo, hindi ba? Dapat ‘yong mala-model din. Dapat toned din ang katawan at may six pack abs. Hindi pwedeng four. Dapat six pack! Hindi ba, sis?” Nanlalambot na halos mapahiga si Irish sa kinauupuan. “Hindi na ako makikipag-argue sa ‘yo, Sugar. Matutulog na lang ako bago ako maloka sa ‘yo,” bulong niya at ipinikit ang mga mata.  Gayunman, inaamin niyang tama ang kaibigan. Kung sakaling makahanap siya ng ipapalit sa puso ng dating kasintahan, dapat ay iyong kahali-halina rin. Takot siyang kapag nagkita sila ay hamakin nito ang lalaking pinili niya. Oo’t batid niyang si Julio ang nagkasala sa kanilang relasyon. Ang lalaki ang nagloko. Ngunit nais niyang kapag nagtama muli ang kanilang mga mata, makita nitong naka-move on na siya. Bagay na imposible pa kung ngayon sila maghaharap.  Kaya nga, bagaman wasak pa ang puso ni Irish, ginugol niya ang buong atensyon sa pagtahak sa kanyang passion pagka-graduate ng kolehiyo. Tagumpay siya sa larangang ito dahil makalipas ang pitong taon, isa na ang kompanya niyang Love's World sa nangungunang jewelry store chain sa Pilipinas. 0o0 Dahil panandaliang nakaidlip sa sasakyan, masiglang muli ang pakiramdam ni Irish nang makauwi siya sa kanilang Three-storey house sa isang eksklusibong subdivision. Ibinaba niya ang shades at tiningala ang Victorian style na bahay. Kaya naman niyang lumipat na isang mansion. Gayunman, lubhang mahalaga sa kanya ang malaking bahay na ‘to. “O, paano? Sa akin muna ang baby car mo, ah. Bukas ko na isasauli kaysa sa mag-cab ako,” ani Sugar sa bintana ng kotse. Matapos iabot ni Irish ang kanyang bag sa security guard, liningon niya ang kaibigan. “Sure, sis. Thank you again, ha. Alam kong busy ka rin pero sinundo mo ako.” “No problem, basta ikaw. Sige na. Bye. Love you.” Kumindat ito at nagpaandar na. Habang papasok sa front door ay mabilis na nagreview si Irish ng kanyang buhay. Hindi pa siya natatapos noon sa kolehiyo ngunit namatay na ang kaniyang ama dahil sa isang aksidente. Simula niyon, natuto na siyang magtrabaho. Mula sa pagiging crew sa mga fastfood chain hanggang sa saleslady sa iba’t ibang mall. Hindi niya akalaing ngingitian siya ng swerte noong nag-aral siya sa pagdisenyo ng mga alahas. Noong una ay ipinapasa lang niya ang mga disenyo sa mga kompanya.  Ilang beses siyang na-reject at sinasabihan siyang pangkaraniwan lang ang kanyang mga nilikha. Ngunit isang araw, may negosyanteng lumapit sa kanya at nangakong popondohan ang kaniyang mga gawa. Hindi niya akalaing magkakaroon siya ng sariling boutique pagkalipas ng isang taon. Tumaas ang kaniyang sales dahil sa impluwensya ng kanyang investor. At simula nito’y sunod-sunod na ang pagsusulputan ng kanyang mga branches sa kamaynilaan. At ngayon, umabot na ang kanyang negosyo sa abroad. Ayaw man niyang nagiging laman ng mga balita ang Love”s World lalong-lalo na tungkol sa annual sales nito, gayunman aminado siya na bilyon ang kinikita nito taon-taon. “Anak, ikaw na ba ‘yan?” Malawak ang pagkakangiti ni Irish nang tabihan niya sa mahabang sofa ang kanyang ina, ang tinatawag ni Sugar na Professor Luz. Siya ang matandang bersyon ni Irish, iyon nga lang ay maputla ang balat nito. Samantalang si Irish ay morena. Mas maliit ang mga mata ni Luz dahil sa mga wrinkles at maliliit na linya sa noo. Bahagyang nakahukot na rin ang likod nito kaya nagmumukhang maliit nlalo na kapag nakaupo. Halos puti na ang kanyang buhok na laging naka-bun. Matanda man ang itsura, masigla pa rin ang awra at mukha nito. “Hello, Mommy!” Niyakap ni Irish ang kanyang ina, tamang higpit lang na hindi maipit ang maliit nitong katawan. “So, how are you? Are you taking your medicines and vitamins on time? Nagpapaaraw ka ba tuwing umaga?” Mabagal ngunit sinserong ngumiti si Luz. “Ang dami mo namang tanong, anak. Pwede bang isa-isa lang?” Isinandal ni Irish ang ulo sa balikat ng kanyang ina. “Isa lang naman ang sagot do’n, Mommy. It’s either yes or no.” “Fine. Yes,” natatawang tugon ni Luz.  “Good.”  “So, how’s your trip?” “Good news, Mommy. Pero mamaya ko na iku-kwento sa’yo, kung okay lang. I want to cherish this quiet moment with you first.” Pumikit si Irish at nakangiting nagbuntong-hininga. Ang init ng kanyang ina ay nakakapagpagaan sa kanyang isipan. Ilang buwan rin niya itong hinanap-hanap. “Okay, kung hindi ka magku-kwento, ako muna.” “Sure.” “Naaalala mo ‘yong company na nagrenovate nitong bahay natin? “Yong De Asis Construction?” Bumangon si Irish at matamang tinitigan ang ina. “Hindi ba, friend mo sila?” “Exactly, anak. Kadarating lang nila galing Chicago at kagabi, inimbitahan ko sila dito sa bahay.” “Okay?” Tumango-tango lang si Irish na nakalapat ang mga kamay sa tuhod ng ina. “So, what’s the real point about it? May bago ba kayong project?” Sumibol ang matamis na ngiti sa mukha ni Luz. “Yes, anak. And that is your date with their only son, si Keith Levi De Asis.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD