Dati nama'y kapag pagabi na'y hindi na nagre-retouch si Irish. Ngunit ngayong kahit nakatutok siya sa accounting ng kanyang business, hawak pa rin niya sa isang kamay ang lipstick habang sa kabilang kamay ay mouse. Minsan ay napapangiti na lang siya nang walang rason. O, baka may dahilan talaga. Ayaw lang aminin ng kanyang isipan na nitong mga nagdaan na araw, iba ang ritmo ng kanyang dibdib. "Love pala ha," bulong ni Irish sa harap ng mga masalimuot na hanay ng mga numero sa excel. "Bakit 'yon ang naisipan niyang itawag sa 'kin. Porque pangalan ko?" Biglang tumunog ang kanyang cellphone. Nang tingnan niya ang nagmensahe, hindi niya napigil ang pagngiti. "Keith Levi." Tumikhim siya at umupo nang tuwid, saka binasa ang mensahe. Pwede ko bang makausap ang boss ng boutique na 'to? Kaila

