Kumikislap ang mga mata ni Irish habang papasok sila sa modernong bahay. Mahigpit siyang nakayakap kay Keith habang pinagmamasdan ang bakante at malawak na living area. Doon pa lang ay napakaliwanag na kahit hindi nakasindi ang mga ilaw. Malaki kasi ang mga glass window na kumukuha ng natural na liwanag mula sa araw. Mataas din ang kisame kaya hanggang doon ay abot ang preskong daloy ng sariwang hangin galing sa hardin. Kumakabog sa kaligayahan ang kanyang puso. Huling nakadama siya ng ganitong kasiyahan ay nang makarating siya sa Disneyland noong bata pa siya. Matapos nilang pumunta sa malaking dining room at kitchen, at sa pool area sa likuran, sabik na hinila ni Keith ang dalaga sa second floor. “Alam mo ba, lima ang bedrooms dito.” Binuksan ni Keith ang kuwarto sa pinakadulo. Sa h

