" Saan ka na naman nanggaling Mario?, parang sinisilihan ang pwet mo dito sa bahay ah? " " Ate, tinawag lang ako ni Bokyo sa labas, sino pala yung lalaki na gaking dito sa bahay?, sabi ng mga chismosa ano mo daw? " " Naniwala ka naman?, mga pani ang nasa labas! " " Anong pani ate? " " Paniwalain! " Sabay pasok ko sa loob at sinimulan ng kumain. Hindi ko na ininit pa ang sabaw dahil hanggang ngayon ay nanghihina pa rin ako dahil sa aking mga nalaman. Nag-iisip ako kung kakausapin ko na ba si Jab o maglalaba muna. Kaya't mas pinili ko ang pangalawa. " Mario, silipin mo si Nene baka pumasok na ang init sa loob ng bintana at pinapawisan na ang likod, maglalaba ako ngayon kaya ikaw magluto ha?!. " " Opo ate! " Kaya sinimulan ko ng paghiwalayin ang de color sa puti. " Ate, alam mo si

