Violet’s Pov NAGISING ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Agad akong nagtaka dahil yung bintana ng kwarto ko ay laging nakatakip ang kurtina no’n. Kaya bakit masisikatan ang mukha ko ng araw. Agad kong iminulat ang mata ko at nakitang nakabukas nga ang kurtina. Pero nanlaki ang mga mata ko dahil iba ang kulay ng kurtina ang nakasabit. Narinig ko ang pagbukas ng pintuan kaya napalingon ako at nakita ang kapitbahay ko na walang saplot ang pang itaas na katawan. Umagang umaga binabalandra na niya ang pandesal niya sa tiyan. Ngunit bigla akong natigilan at agad na kumunot ang noo dahil sa pagtataka. “Teka… bakit nakikita kitang hayop ka?” Tanong ko habang gulat na gulat. “Aray naman, babe. Hayop talaga! Nasa bahay kita kaya maging mabait ka sa ‘kin.” Sagot niya kaya aga

