May kaba pa rin siya kahit na maraming beses na niya ginagawa iyun. Mataman na nakatitig siya sa monitor kung saan nakikita niya roon ang kanya right arm x-ray. Nakikita niya ang bakal na ikinabit sa kanya buto. Sa gitna bahagi ng kanya braso. "It's getting better.." anang ng babae doktor. Tumango siya. "Tulad ng paalala ko sayo sa oras na makaramdam ka kaagad ng pananakit pumunta ka kaagad sakin,maaari kasi madislocate ang bakal kapag napwersa.." muli paalala nito sa kanya. "Yes,Dok.." Minsan sumakit na ito dahil nasobrahan siya sa paggamit rito noong magtrabaho siya at naabuso niya iyun. Naging maingat na siya ngayon kung ayaw niyang tuluyan mawalan ng braso. Kinabukasan,maaga siya pumasok sa BSC,may isang oras pa bago dumating ang mga trainers niya. Inihahanda na niya ang mga

