Inabangan na lang niya ang dalaga sa pag-uwi nito. Hindi siya nagtungo ng BSC ngayon araw at nagpalipas oras siya sa Black forest kung saan hinamon niya ng suntukan si Zei na game naman na nakipagsparring sa kanya. Nasa loob lang siya ng kotse niya habang hinihintay ito makauwi pero mukha natagalan ata ito ngayon. Agad na nakaramdam siya ng pag-aalala. Bumaba na siya ng sasakyan. Mas mapapanatag ang kalooban niya kung makikita niya ito. Agad na tinungo niya ang gusali. Hindi niya nararamdaman ang presensya ng dalaga. s**t,hindi pa siya nakakauwi! Stop being paranoid! Anang ng kanya inner wolf. Kuyom ang mga palad na bumaba siya muli,nag-aalala siya na baka ginugulo ito ng lalaki iyun! Humanda talaga sa kanya ang lalaki iyun. Bago pa man niya mabuhay ang sasakyan. May braso na sumaka

