Nakakasama ng loob. Pagkatapos niya ‘kong galawin, ‘yon ang sasabihin niya? Bakit pa niya ‘ko binili sa auction at binibigyan ng kung ano-ano kung hindi naman pala niya ‘ko gusto? Bakit paulit-ulit niya ‘kong hinahalikan at pinaparamdam sa ‘kin na gusto niya ‘ko bilang babae kung bata naman pala ang tingin niya sa ‘kin? Baka nga hindi bata ang tingin niya sa ‘kin, kundi isang bagay na madaling palitan. Kapag napagsawaan na niya at tapos na niyang laruin ay bigla na lang niyang iiwan at hindi na bibigyang halaga. “You’re lying, Lucas. I saw the way you look at her.” Aalis na sana ako na masamang-masama ang loob pero nang marinig kong sabihin ito ni Dianne, napatigil ako at mas lalo ko pang inilapit ang tainga ko sa bahagyang nakaawang na pintuan ng kwarto ni Lucas. Gusto kong marinig kung

