“In-edit mo lang ‘yan! Hindi totoo ‘yan!” sabi ni Tope habang itinuturo ‘yung cellphone ni Lucas na hawak ko. “Ano ba ‘yang tinitingnan n’yo d’yan?” usisa naman ni Lolo Ramon at lumapit pa sa akin, kaya mabilis kong inilagay sa likuran ko ‘yung cellphone ni Lucas. “W-wala po, ‘lo.” Tumingin ako kay Lucas at kinuha ko ang kamay niya at saka ko ipinatong sa palad niya ‘yung cellphone niya. “Itago mo at huwag mo nang ilalabas,” bulong ko na may bahagyang pandidilat ng mga mata. Hindi pwedeng makita ni Lolo Ramon ‘yung mga gano’ng bagay. Nakakahiya. “Bakit tinatago mo, Lorelei? Bakit hindi mo ipakita kay Lolo Ramon? Ipakita mo sa kanya, para malaman n’ya kung ano’ng ginagawa ng lalaking ‘yan sa ‘yo!” “Walang ginagawang masama si Lucas, kaya pwede ba, Tope, tama na?!” “Bakit ako titigil?

