CHAPTER 33

2224 Words

“Boss po, lolo! Si Sir Lucas po ‘yan. Boss ko po sa trabaho.” Napatingin sa akin si Lucas na bahagyang nakakunot ang noo dahil ako ang tumapos ng sasabihin niya. Ewan ko ba. Para ‘kong kinabahan nang bigla siyang magpakilala kay Lolo Ramon. “Pasok ka hijo.” Sinenyasan pa ni Lolo Ramon si Lucas na pumasok. “Pagpasensyahan mo na itong bahay namin dahil maliit lang.” Kahit naman maliit lang ‘tong bahay namin, maipagmamalaki ko naman na malinis ito, kahit na paminsan-minsan ay may naliligaw na daga at ipis. Hindi naman kasi maiiwasan ‘yon dahil iba’t ibang tao ang nakatira dito sa tenement. Kahit gaano pa kami kalinis kung may pabaya naman kaming kapitbahay, may makakapuslit talaga papasok dito. At saka may kalumaan na din talaga ‘tong tenement kaya hindi maiiwasan na may mga nagtatago sa mg

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD