-Christine's POV- Humahangos ako nang makarating ako sa tapat ng pintuan ng condo ni Markuz. Sunod-sunod ang ginawa kong pagpindot sa doorbell. Ilang minuto ang lumipas bago iyon bumukas. Subalit laking pagkadismaya ko nang si Mitch ang sumalubong sa akin. Tinaasan niya agad ako ng kilay. Hindi na ako magtataka kung bakit nandito siya. Nagsasama na sila ni Markuz sa iisang bubong. "Anong kailangan mo?" Mataray niyang tanong. Hindi ko siya sinagot. Tinulak ko siya sa tabi at nilampasan. Nagpatuloy ako sa loob. Wala akong oras para sa kanya. Kailangan ko agad na makausap si Markuz. Kailangan siya ng anak niya. "Markuz! Markuz nasan ka? Mark!" Pagtawag ko habang nililibot ang sala. "Wala siya rito." Unti-unti akong pumihit paharap sa kanya. Nakahalukipkip siya at mataray akong tin

