Natapos na para sa araw na ito ang show ni Dare kaya inoff ko na ang TV. Agad ko ding tinignan ang phone ko kung nagtext siya pero wala pa. Baka mamaya. Yun ang nasa isip ko pero hanggang sa makatulog ako ay wala akong natanggap na text or call galing sa kanya. Ayoko naman na ako ang unang tumawag sa kanya kasi baka isipin niya na patay na patay ako sa kanya. Gusto ko siya ang maging patay na patay sa akin pero mukhang naghihintay ako sa wala. Ilang oras din ata akong nakatulog sa sofa lang ng bahay at wala pa ding text or call akong natatanggap mula sa kanya. Wala pa din akong kasama sa bahay. Siguro malayo ang pinuntahan nila Mommy at Daddy. Si Ate naman kasi ay may sariling bahay. Ayoko namang gumala kasi baka matagtag ako at madamay pa ang anak ko. Speaking of anak, nakaramdam ako

