Gusto ko sanang makatulog kaya nga lang ang problema ay hindi ako makatulog dahil sa hindi ko malamang dahilan. Isa ba ito sa mga kaartehan ng pagiging buntis? Umayos ulit ako nang pagkakahiga ko. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong paayos-ayos ng higa. "Anak, patulugin mo na si Mommy" hinaplos ko pa ang tiyan ko at tinapik iyon ng mahina lang "Anak ganyan ba ang trip mo? Baka naman anak kapag lumabas ka hindi mo na kami patulugin ni Daddy mo anak ah" Bumangon na lang ako sa pagkakahiga ko at dinampot ko na lang yung cellphone ko. iniisip ko talaga na walang signal sa lugar na ito kaya pinatay ko na lang yung phone ko pero bakit hindi ko subukan na tignan kung meron. Baka kasi meron naman kahit papaano. Tumapat ako sa bintana at in-on ang phone ko. Hindi naman nagtagal ay lum

