Matapos naming kumain ni Migs ay inaya na niya ako sa department store ng Mall. Siya ang may hawak ng cart habang nasa gilid lang niya ako. Madami siyang sinasabi pero parang lutang pa din ako. May ilang mga tao na napapatingin sa aming dalawa ni Migs pero binabalewala ko na lang iyon. Ang focus ko kasi ay nasa anak ko at kung paano o dapat ko bang sabihin sa Pamilya ko. Siyempre gusto ko sabihin sa kanila lalo na at sila ang Pamilya ko pero gusto ko din naman na malaman nila ang kondisyon. Pero kung hindi ko sasabihin dapat siguro na umuwi na ako kaagad sa France, kahit konti pa yung kailangan ayusin sa naging bahay ko doon, okay lang siguro na hintayin ko hanggang sa matapos. Kahit doon muna ako sa Unit ng Brent Image na naka-allot sa bawat crew nila. Siguro pwede naman. Si Migs na la

