Iyak lang ako ng iyak habang katabi pa din ako ni Dare sa kama. Mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Hindi naman ako nagsisisi na ginawa namin ito pero ang sakit kasi na ako yung kasama niya tapos iba yung tinatawag niya. Nakakagago lang. "Ba..." narinig kong ungol niya tsaka na naman humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Huminga ako nang malalim at pinunasan ang luha ko tsaka ko tinanggal ng dahan-dahan ang braso niya sa akin. Napaupo ako tsaka ko siya tinitigan sa mukha. Pagod na pagod siya at ako din pagod na pagod na din ako, physically, emotionally...lahat. Parang kulang na lang dalhin ako sa Mandaluyong dahil mawawalan na talaga ako ng tamang kaisipan sa nangyayari sa akin. Lumapit ako sa kanya at hinalikan ko siya sa noo. "I'm sorry, Dare" bulong ko sa kanya "Sorry sa laha

