My Name Is Lualhati Canlas Datu Chapter 60 "Dude, kamusta pala ang pagkikita ninyo ulit ni Hakeem, sa West View?" tanong ni Andreas, nandito sila ngayon sa rest house nila sa Tagaytay. Nagkayayaan silang apat na magkakaibigan na mag joy ride hanggang napagdesisyunan nilang apat na pumunta na lang sila sa resy house ng pamilya niya sa Tagyatay. Pagpunta naman nila dito ay maayos at may pagkain na naihanda ang mga kasambahay nila dito sa Tagaytay. "Galit na galit pa rin sa akin si Hakeem, ramdam at kita ko sa mga mata nito. Habang kinakausap niya ako." tumayo si Ludwick, at pumunta sa may balkonahe ng rest house nila Andreas. Napatingin siya sa kalangitan. Kitang-kita niya ang ganda ng maraming mga bituin. "Symepre dude hindi mawawala ang galit sa'yo ni Hakeem. Ikaw ba naman na maging

