My Name Is Lualhati Canlas Datu Chapter 51 "I'm sorry M-marcus, hindi ako nakapagpaalam sa'yo." kanina pa nag-sosorry si Hakeem, sa makisig na lalaking kasama niya sa loob ng kotse. Pauwi na sila sa mansyon ngayon. "Hindi mo ba naisip na nag-aalala ako sa'yo? Hindi mo lang ba naisip na kanina pa ako naghihintay doon sa parking lot. Akala ko ay nawala ka na naman." seryosong sabi ni Marcus, nakalimutan niyang tawagan si Oliver, kanina. Upang itanong kung nakita ba nito si Hakeem? Madalas na magreport sa kanya si Oliver, lagi raw nitong nakikita si Hakeem, na kasama sila Jules, Nolan at Isabel. 'Yin lagi ang sinasabi nito sa kanya. Tinatanong niya si Oliver, kung may umaaligid kay Hakeem. Nagpapasalamat naman siya dahil wala naman daw sabi ni Oliver. "Alam kong kasalanan ko. M-maaga n

