Chapter 20

3269 Words
My Name Is Lualhati Canlas Datu Chapter 20 Nakangiting pinagmamasdan ni Marcus, ang mahimbing na natutulog sa ibabaw ng kama niya si Hakeem. Halata sa guwapong mukha nito ang sobrang pagod at kasakitan dahil sa ginawa nila kagabi ni Hakeem.  "Akin ka lang Hakeem, walang nagmamay-ari sa'yo kundi ako at wala ng iba." ngising sabi ni Marcus, habang hinahaplos niya ang guwapong mukha ni Hakeem. Lalo siyang napangisi ng makita niya ang mga pulang markang ginawa niya sa leeg at sa ibang parte ng katawan ni Hakeem. Kararating lang nila ni Zubery, galing sa bahay ng mga Fargas. Hindi niya maiwasan na mapangiti ng maalala niya na iniwan niyang nag-aaway sila Emily at Edmond. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. Pinacancel niya lahat ang kanyang appointments ngayong araw na ito gusto niyang manatili sa tabi ni Hakeem. Gusto niya na gumising si Hakeem, na nasa tabi siya nito. Tumayo siya sa pagkakaupo sa gilid ng kama niya. Sinimulan niyang hubarin ang kanyang suot na all black suit. Nang mahubad na niya ang lahat pati ang kanyanh suot na itim na boxer brief ay pumunta na siya sa loob ng banyo para makaligo na siya. Napapangiti na lang siya na parang tanga kapag naalala niya ang nangyari kagabi.  _______________________________ "Wag kang mahiya Hakeem, kung gusto mong kumain ng cake ay kumain ka." seryosong sabi ni Marcus, siya na ang kumuha ng tig isang slice ng classic red velvet cake at classic cheese cake. At inilagay niya iyon sa plato ni Hakeem. Nakita pa niyang napalunok pa ito habang nakatingin sa cake na binigay niya.  "S-salamat…" hindi talaga makaiwas ni Hakeem, na tanggapin ang cake na inalok sa kanya ni Marcus. Maraming nagbibigay sa kanya ng mga cake. Hindi niya kayang tanggihan ang mga ito lalo na kapag galing sa Rald's Box Café ang mga cake na binibigay sa kanya. Lalong-lalo na kapag paborito niyanh red velvet cake at cheese cake. Kinuha niya ang isang dessert fork at kumain siya ng red velvet cake. Napapikit na lang siya sa sobrang sarap ng cake na kinakain niya.  Hindi maiwasan ni Marcus, na mapangiti habang pinapanuod niyang kumakain si Hakeem, ng cake. Nagsimula na rin siyang kumain ng main course. Ayaw niyang kumain ng dessert na cake dahil gusto niyang maging dessert si Hakeem. Mamaya-maya lang ay kakainin na niya anh guwapong binatang katabi niya ngayon.  "Sagutin mo na ang tanong ko sa'yo Marcus." biglang sabi ni Hakeem, napansin na lang niya na nabawasan ang kanyang pagamba at takot sa makisig na lalaking katabi niya.  "Ano bang tanong mo sa akin?" tanong ni Marcus, napatingin siya sa kanyang katabi na naubos na pala nito ang cake na binigay niya.  "Kaninong bahay ito?" tanong ni Hakeem, naubos na niya ang cake na binigay sa kanya ni Marcus. Gusto pa sana niya kumuha ng kahit tig isang slice pa ng cake. Ngunit nahihiya siya baka sabihin ni Marcus, na patay gutom siya.  "Sa akin ang bahay na ito." sagot naman ni Marcus, alam niyang gusto pa ni Hakeem, na kumain ng cake. Kumuha ulit siya ng tig isang slice ng cake para sa guwapong binatang katabi niya.  "Sa'yo? Bakit nandito ako? Ang naaalala ko kagabi ay habang nag-iinuman tayo ay nakaramdam ako ng antok. At bago ako tuluyan lamunin ng antok ay nakita kong nasalo mo pa ako. At heto nga pagkagising ko nandito na ako sa malaking bahay mo, sa malaking kuwarto mo." mahabang sabi ni Hakeem, lihim siyang natuwa dahil kinuha ulit siya ng tig isang slice ng cake ni Marcus.  "Gusto mo bang uminom?" tanong ni Marcus, kahit hindi pa sumasagot si Hakeem, sa katanungan niya ay kinuha niya ang isang boteng blue label na nakalagay sa ibabaw ng lamesa. Binuksan niya ito at nagsalin siya ng alak sa rock glass na nakatapat kay Hakeem. At naglagay siya ng dalawang pirasong ice cubes.  "H-hindi na… " wala na nagawa si Hakeem, dahil sinalinan na siya ni Marcus, ng alak sa baso niya.  "Wag kang mahiya Hakeem, tayong dalawa lang naman dito." paniniguradong sabi ni Marcus, alam niyang wala ng tao sa dining area. At wala rin magtatangkang sumilip kung ano mang mangyayari ngayon. Alam naman ng mga tauhan niya na ayaw na ayaw niyang may mga nag-uusisa sa kanyang mga ginagawa. Bawat sulok ng kanyang mansyon ay may cctv. Kaya kampante siya na wala ni isang tauhan niya ang gagawa ng isang bagay na ikakagalit niya.  Wala na talaga magawa si Hakeem, kundi inumin na lang ang binigay na alak sa kanya ni Marcus. Alam niya sa kanyang sarili na marami siyang katanungan kay Marcus. Ngunit kailangan ay umalis na siya sa malaking bahay na ito dahil sinisigurado niya na hinahanap na siya ng kanyang mga magulang.  "Fvck! Nakalimutan ko ang cellphone ko sa bahay nila Ludwick!" naiinis na sabi ni Hakeem, bigla niyang naalala na hindi niya pala nadala ang kanyang cellphone papunta sa Altas Bar kagabi. Naiwan niya ito sa bahay ni Ludwick. Inaalala niya kung paano siya makakauwi ngayon? Hindi nga niya alam kung saan nakatirik itong malaking bahay ni Marcus? Napatingin siya kay Marcus, na seryosong nakatingin sa kanya. Naisip niyang humiran ng cellphonen kay Marcus. Ngunit nag-aalangan siyang humiram ng cellphone kay Marcus, para tawagan niya si Ludwick, dahil papasundo na lang siya sa kanyang kaibigan.  "Hindi mo naman kailangan ng cellphone Hakeem. Bat hindi mo ituloy ang pagtatanong mo sa akin?" naiinis si Marcus, na marinig niya ang pangalan ni Ludwick, sa mismong bibig ni Hakeem. Ayaw na ayaw niyang naririnig na sinasabi ni Hakeem, ang pangalan ng kaibigan  nito na si Ludwick Laurel. Ang mismong kaibigan nito na si Ludwick, na nagbenta sa kanya kay Hakeem. Kapalit ang kapatid nitong babae na si Haelynn.  "Tanong? Hindi na kailangan. Uuwi na rin naman ako itatanong ko na lang sa mga kaibigan ko ang nangyari kagabi. Humanda talaga sila sa pag-iwan nila sa akin! Hahaha! Puwede bang humiram ako ng cellphone mo? Tatawagan ko lang ang isa kong kaibigan na si Ludwick Laurel. Papasundo na lang ako sa kanya. Saan ba itong lugar na ito?" nilakasan lang ni Hakeem, ang kanyang sarili para lang makahiram siya ng cellphone kay Marcus. Napaiglad na lang siya ng biglang nahulog at nagbasag ang baso hawak ni Marcus.  "Pasensya na nadulas sa kamay ko. Ano nga ulit ang tanong mo?" sinadya talaga ni Marcus, bitawan ang basong hawak-hawak niya na may lamang alak. Para makuha niya ang atensyon ni Hakeem. Nakita niyang pupulutin na sana ni Hakeem, ang basag na baso sa sahig ngunit pinigilan niya ito.  "Wag mo na pulutin yan, baka masugat ka pa. Nililisin ng isang kasambahay yan." napangisi si Marcus, ng makita niyang nakangiti sa kanya si Hakeem. 'Di nagtagal ay may isang kasambahay na naglinis sa nabasag na baso. Agad din naman itong umalis sa dining area.  "M-Marcus, puwede ba ako humiram ng cellphone?" tanong ulit ni Hakeem, gusto na niyang umuwi. Gusto na niyang matulog sa kanyang kama.  Kunwaring kinapkap ni Marcus, ang kanyang bulsa. Nasa loob ng amerikana niya ang kanyang cellphone. Ayaw niyang pahiramin si Hakeem. Hindi siya tanga para pahiramin niya  si Hakeem, kapag ginawa niya iyon ay mawawala sa kanya si Hakeem.  "Nakalimutan ko yata sa opisina ko sa Orissis Casino ang cellphone ko. Hindi nga ako nakapagpahinga kanina sa dami ng trabaho ko sa casino na dapat kong tapusin. Dahil nagmamadali akong bumalik sa mansyon. Tumawag sa akin si Bella, upang ipaalam sa akin na gising ka na." biglang na lang nag-iba ang ihip ng hangin dahil biglang ngumiti si Marcus, kay Hakeem. Nagsinungaling siya na wala ang kayang cellphone sa kanya dahil ayaw niyang pahiramin si Hakeem, ng cellphone. "Ganun ba sige mamaya na lang pagkatapos mo kumain ay hihiram na lang ako sa mga kasambahay mo." nanghinayang naman si Hakeem, dahil kailangan pa naman niya gumamit ng cellphone. Para matawagan na niya si Ludwick. Napatingin siya sa paligid ng dining area. Tinitignan niya kung may makita siyang kasambahay ni Marcus, hihiram siya ng cellphone para makitawag. Napunta ang tingin niya kay Marcus, na ngayon ay nakangiting nakatingin sa kanya. Nawala na ang pagiging seryoso ng guwapong mukha nito. Wala naman kaso sa kanya kung nasasabi niya sa kanyanh sarili na guwapo ang isang kapwa niya lalaki. Tulad na lang ngayon na hindi niya maitatanggi na guwapo at makisig na lalaki si Marcus.  "Ituloy mo na ang pagtatanong mo sa akin." ngiting sabi ni Marcus, iniba niya ang kanyang mood ngayon para makuha niya ulit ang loob ni Hakeem. Tulad sa pagkuha niya ng loob nito noong nakipagkuwentuhan ito sa kanya bilang isang babae.  "Ah? A-alam mo ba na nagpangtanggap ako bilang babae? Bakit mo ko kilala? Hindi ka ba galit sa akin?" sunod-sunod ang mga tanong ni Hakeem, kay Marcus, na ikinatawa nito. Nakita niyang nagpunas ito ng bibig at uminom ito ng tubig.  "Tatlong katanungan na kailangan kong sagutin. Sa una mong katanungan ay alam ko na nagpanggap ka bilang isang babae. Hindi naman ako mangmang para hindi malaman iyon. Sa ikalawang katanungan mo ay kilala kita. Hindi ko alam kung natatandaan mo pa ba na nagkabungguan tayong dalawa sa pintuan sa bahay ni Ludwick Laurel? At napanuod ko ang play ninyo sa Malaya University na Sleepinh Beauty." ngiting sabi ni Marcus, humarap siya kay Hakeem, at nakita niyang napatango ito. Lalong lumapad ang ngiti niya sa kanyang guwapong mukha. Hindi niya akalain na natatandaan pa ni Hakeem, na nagkabungguan sila nito sa bahay ni Ludwick.  "Oo, tanda ko pa iyon. Nagtataka nga ako kung bakit nandoon ang isang Marcus Orissis Patton. Nakakahiya naman napanuod mo ang play namin na Sleeping Beauty. Teka hindi mo pa sinagot ang huling katanungan ko sa tatlong sunod-sunod kong katanungan sa'yo." ngiting sabi ni Hakeem, hindi naman niya akalain na nandoon si Marcus, sa foundation day ng Malaya University. Bigla siyang nakaramdam ng hiya kay Marcus. Nguniy ganun pa man ay gumaan at naging komportable ang pakiramdam niya kausap si Marcus. Tuluyan na naglaho ang pangamba at takot niya sa makisig na lalaking katabi niya ngayon.  "Ang sagot ko sa huling katanungan mo ay hindi. Hindi ako galit. Bat naman ako magagalit? Napakaganda mong babae kapag nakabihis ka ng pambabae. Pati boses mo ay nagawa mong maging babae. Tulad na lang kagabi at sa pagiging Princess Aurora, mo sa Sleeping Beauty." ngising sabi ni Marcus, hinawakan niya ang baba ni Hakeem, para lalo niyang makita ang kaguwapohan nito.  Napaiglad na naman si Hakeem, sa biglang paghawak sa kanyang ni Marcus, sa baba. Titig na titig sa kanya si Marcus, animo tinutunaw siya nito. Bigla siyang nakaramdam ng pagkailang kaya inalis niya ang kamay ni Marcus, sa baba niya.  "Tutunawin mo ba ako?" biglang tanong ni Hakeem, na pakunot noo nakatingin sa kanya si Marcus. Mukhang naguluhan ito sa katanungan niya.  "Sa pagkakatitig mo sa akin ay parang tutunawin mo ako. Hahaha!" dinaan na lang ni Hakeem, sa biro ang pagkailang niya kay Marcus, ngayon. Nakita niyang napangisi itong nakatingin sa kanya.  "Masama bang tignan ka? Napakaperpekto ng kaguwapohan mo. Sa sobrang guwapo mo ay nagmumukha ka na babae." biglang naging seryoso si Marcus, sa pagkakasabi niya kay Hakeem.  "Hindi lang ikaw ang nagsabi yan sa akin. Halos ng mga nakakausap ko ay ganyan na ganyan ang sinasabi sa akin. Sandali lang magtatanong pa ako." sabi ni Hakeem, magkaharapan na pala silang dalawa ni Marcus. Nakita niyang napatango ito sa sinabi niya.  "Bakit mo ko dinala sa bahay mo? Ikaw ba ang naglinis sa akin?" naging seryoso na rin si Hakeem, napansin niyang pabago-bago ang mood ni Marcus.  "Hindi ako ang naglinis sa'yo. Si Bella, at iba pa nitong kasama na kasambahay ko na nagtratrabaho sa mansyon ko ang nagpaligo sa'yo. Gusto mo bang malaman ang dahilan kung bakit nandito ka ngayon sa bahay ko?" ngising sabi ni Marcus, hindi na niya mahintay pa ang magiging reaksyon ni Hakeem . Kapag sinabi na niya ang tunay na dahilan kung bakit nandito ito sa mansyon niya.  Bigla naman nakaramdam ng kaba si Hakeem, sa sinabi sa kanya ni Marcus. Hindi niya maiwasan na makaramdam din siya ng hiya dahil mga babae ang naglinis sa kanya. Nagtataka lang siya kung bakit hindi man siya nagising habang pinapaliguan siya nila Bella? Masyado yata siyang napasarap sa tulog hindi na niya namalayan na may nagpaligo sa kanya.  "Ikaw ang naging kabayaran sa malaking pagkaka-utang ng mga magulang ni Ludwick Laurel." seryosong sabi ni Marcus, nakita niyang napakunot noo si Hakeem, na tila naguguluhan ito sa kanyang sinabi.  "Kabayaran? Paano? Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan si Hakeem, sa sinabi sa kanya ni Marcus. "May malaking utang ang mga magulang ni Hakeem, sa akin. Noong araw na nagkabungguan tayo ay kinausap ko si Ludwick Laurel, tungkol sa pagkaka-utang ng mga magulang nito. Sinabi ko sa kanya na kahit na pagsama-samahin pa ang mga ari-arian ng mga Laurel, ay hindi iyon sasapat sa kabayaran sa malaking utang ng magulang nito. Naisip kong kunin ko na lang si Haelynn Laurel, ang nakakabatang kapatid na babae ni Ludwick Laurel, bilang kabayaran sa malaking utang ng mga magulang nila." mahabang salaysay ni Marcus, tinitignan niya ang reaksyon ni Hakeem. Nakita niya ang pagkagulat sa guwapong mukha nito.  "I-ituloy mo." kinakabahan na sabi ni Hakeem, hndi siya makapaniwala sa naririnig niya kay Marcus. Parang bigla siyang pinagpawisan ng malamig sa buong katawan niya. Lalo na ang kanyang kamay na magkahawak sa isa't-isa.  "Agad na tumanggi si Ludwick Laurel, na ibigay ang nakakabatang kapatid nito bilang kabayaran sa mga utang ng mga magulang nito. Kailangan kong ipakita sa kanya kung sino ba si Marcus Orissis Patton. Pinasunog ko ang dalawang malalaking negosyo ng pamilya nito. Dahil na rin sa takot ay nakiusap siya sa akin na siya na lang ang maging kabayaran sa malaking pagkakautang ng mga magulang nito. Ngunit tumaggi ako sa alok nito. Aanhin ko ang isang walang kuwentang taong katulad ni Ludwick Laurel, na hindi marunong magpatakbo ng negosyo. Kaya naisip kong isa sa mga kaibigan nito ang gusto kong maging kabayaran. At ikaw ang napili ko sa apat na kaibigan nito." mahabang salaysay ni Marcus, kitang-kita niya ang pagkagulat sa guwapong mukha ni Hakeem.  "A-ano i-ibig sabihin… " napapalunok na lang si Hakeem, sa narinig niya sa mga sinabi ni Marcus, sa kanya.  "Kapag hindi nagawa ni Ludwick Laurel, na ibigay ka sa akin bilang kabayaran sa malaking pagkakautang ng mga magulang nito. Kukunin ko si Haelynn Laurel, sa ayaw at sa gusto nito." ngising sabi ni Marcus, nakitang niyang namula ang dalawang magagandang mata ni Hakeem.  "Pa-paano nangyari iyon?" gusto ni Hakeem, na malinawan sa nangyayari ngayon. Ayaw niyang basta-basta na lang magalit sa kanyang kaibigan na si Ludwick. Naisip niyang baka nagbibiro o niloloko lang siya ni Marcus.  "Alam kong natalo ka sa pustahan ninyo ng mga kaibigan mo. Plano ni Ludwick, ang lahat ng nangyari kagabi. Simulan natin sa pagtalo mo sa karera sa kotse. Sa pagbibihis mo ng pangbabae hanggang sa pakikipagkuwentuhan mo sa akin. Lahat ng iyon ay planado para maibigay ka niya sa akin. Kasambuwat ang tatlong kaibigan mo na sila Ryker Zale, Barett Lanchetta at Andreas Fort." ngising sabi ni Marcus, hindi niya alam kung matutuwa ba siya sa nakikita niya ngayon kay Hakeem. Sigurado siyang malinaw kay Hakeem, ang lahat-lahat. Nakita niyang tuluyan ng napaiyak ang guwapong binata na nakatingin sa kanya at napansin niyang nakayukom ang kamao nito na nanginginig sa galit.  "N-na-nagbibiro ka lang diba?" umiiyak na sabi ni Hakeem, ayaw niyang maniwala sa sinabi ni Marcus, sa kanya. Hindi magagawa ng kanyang mga kaibigan ang sinasabi ni Marcus, sa kanya "Akala ko pa naman malinaw na sa'yo ang lahat? Hindi pa ba malinaw sa'yo? Pinagkalulo ka ng mga taong pinagkakatiwalaan mo. Ang mga taong akala mo ay mga tunay monh kaibigan? Hakeem Fargas, ibinigay ka ng mga kaibigan mo sa akin! Hahaha!" hindi mapigilan ni Marcus, ang hindi matawa dahil hindi na bago sa kanya ang mga ganitong pangyayari. Marami na siyang naranasan na ganitong sitwasyon. Marami na siyang nakitang mga makasariling tao. Mga taong kayang ipagkalulo ang ibang tao para sa mahal nila sa buhay. Mga taong walang pakialam kung pumunta ang mga ito sa impiyerno. Ang mga taong walang pakialam kung may maapakan na ibang tao. Tulad na lang ni Ludwick Laurel.  Tuluyan na napaiyak sa galit si Hakeem, hindi siya makapaniwala na nagawa ng kanyang mga kaibigan ang ganitong bagay. Hindi siya makapaniwala na naging kabayaran siya ng isang malaking pagkakautang. Wala siyang kaalam-alam sa nangyari.  Napapailing na lang na naiiyak si Hakeem.  "H-hindi… H-hindi! K-Ka-kailangan ko ng umuwi sa bahay namin! G-gusto ko na umuwi! H-hinahanap na sigurado ako nila mama at papa." umiiyak na sabi ni Hakeem, para siyang batang umiiyak ngayon dahil gusto na niyang umuwi sa bahay nila. Tumayo siya sa pagkakaupo niya at maglalakad na sana siya palayo sa dining area at palayo kay Marcus. Ngunit naramdaman na lang niyang may humawak sa kanyang kanang kamay.  "Saan ka sa tingin mo pupunta? Uuwi ka? Hindi ka na makakauwi sa inyo. Hindi ka na makakabalik kailanman sa bahay ninyo. Pagmamay-ari na kita Hakeem Fargas! Ikaw ang kabayaran sa malaking pagkakautang ng mga magulang ni Ludwick Laurel! Hahaha!" parang malademonyo kung tumawa ngayon si Marcus, gusto niyang ipakita at ipamukha kay Hakeem, kung ano ang nangyayari ngayon sa buhay nito. Sa kanya na si Hakeem, hindi na niya ito pakakawalan sa kamay niya.  "H-hindi maari ang sinabi mo! B-bitawan mo ako Marcus! W-wa-walang nagmamay-ari sa akin!" sobrang takot na takot na si Hakeem, kay Marcus. Nangangamba siya sa kalagayan niya. Nagpupumiglas siya sa hawak ni Marcus, sa kamay niya. Kailangan niyang tumigil sa pag-iyak para makapagfocus siya sa pagkawala sa pagkakahawak ni Marcus, sa kanya. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. Kailangan niyang gamitin ang natutunan niya sa ilang taon niyang pag-aaral ng judo, karate at iba pang martial arts. Dahil black belter siya. Gamit ang kaliwang kamay niya susuntukin sana niya si Marcus, sa mukha nito. Ngunit hindi pa tumatama ang kamao niya sa mukha ng makisig na lalaki ay nahawakan na nito ang kamay niya. Mabilis siyang nag-isip sinubukan niyang i side kick si Marcus. Sa ikalawang pagkakataon ay nasangga siya nito. Agad niyang nalaman na marunong pala si Marcus, sa self defense  "Wag ka ng kumilos pa Hakeem, tulad mo ay black belter din ako." ngising sabi ni Marcus, inaasahan na niyang gagamitin ni Hakeem, ang mga natutunan nito sa pagiging black belter. Sa isang iglap ay nakaakap na ang dalawang matitipunong braso niya patalikod kay Hakeem. Hindi na niya hinayaan na makakilos ito.  "Bitawan mo ako!" hindi makagalaw si Hakeem, sa pagkakayakap sa kanya ni Marcus. Hindi niya agad naisip na marunong pala ito sa martial arts.  "Masyado mo naman ako minaliit sa ginawa mo." bulong na sabi ni Marcus, sa kaliwang tenga ni Hakeem.  "M-marcus!" galit na sabi ni Hakeem, hindi niya magawang magpumiglas sa pagkakayakap sa kanya ni Marcus. Nararamdaman niyang humihigpit ang pagkakayakap nito sa kanya.  "Ayaw kitang saktan Hakeem. Kailangan mong maging mahinanon. Wag kang magpumiglas. Wag mo ng tangkain na makawala sa yakap ko dahil simula ngayon ay akin ka na." ngising sabi ni Marcus, inilabas niya ang dila niya at dinilaan niya ang tenga ni Hakeem.  "M-marcus! A-anong ginagawa mo!" nagulat na lang si Hakeem, ng maramdaman niyang dinilaan ni Marcus, ang tenga niya. Narinig na lang niya itong humalakhak.  "Hakeem Fargas, araw-araw kong ipapaalala sa'yo na akin ka! Akin ka lang at wala ng ibang nagmamay-ari sa'yo kundi ako. Ako si Marcus Orissis Patton! Hahaha!" parang nababaliw na si Marcus, dahil sa sobrang sayang nararamdaman niya. Hinding-hindi na niya pakakawalan si Hakeem. Hindi niya hahayaan na wala sa buhay niya si Hakeem Fargas. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD