My Name Is Lualhati Canlas Datu Chapter 44 "Oh!? Mang Estong, napadalaw ka?" ngiting sabi ni Maximo, gulat na gulat siya ng sabihin sa kanya ni Abelino, na may bisita siya. Wala naman siyang inaasahan na bisita ngayong araw na ito. Pagkapunta niya sa sala ay nakita niya ang isang matanda na nakaupo sa may sofa na agad niyang nakilala na si Mang Estong. Si Mang Estong, ang taga bantay ng manggaan na pagmamay-ari ng mayabang na si Marcus Orissis Patton, ang mortal na kalaban nito. Lahat ng nagugustuhan niyang babae ay kinukuha nito. Minsan na siyang napadpad sa manggaan ni Marcus, at natakam siya sa mga bunga ng mga puno ng mangga. Meron siyang nakita noon na isang matandang lalaki na lumapit sa kanya. Tinanong siya nito kung ano ang kailangan niya? Sinabi niya na kung puwede ba siyang hum

