My Name Is Lualhati Canlas Datu Chapter 47 Nakatingin ngayon si Hakeem, sa main building ng West View University. Nandito pa siya sa loob ng kotse ni Marcus. Parang naninibago siya sa araw na ito. Ito ang unang beses na makakaapak siya sa West View University. Isang malalim na buntong hininga ang ginawa niya. Tumingin siya kay Marcus, na nakangiting nakatingin sa kanya. "Ayos ka lang ba?" ngiting tanong ni Marcus, hinawakan niya ang kamay ng guwapong binata at hinalikan niya ito. Alam niyang kinakabahan ito dahil nababasa niya ito sa guwapong mukha ni Hakeem. "Wala akong choice kundi maging maayos. Salamat sa paghatid mo sa akin." isang pilit na ngiti ang pinakita niya kay Marcus. Isa o dalawang linggo yata siyang nasa loob ng Patton mansyon. Minsan ay nagpupunta siya sa bukid para ma

