ONLINE CLASS

463 Words
'Online Class' By: Gummy_Sunny. This story is dedicated to Bonbon Plagiarism is a crime. Ngayon ay nakapalumbaba ako habang nakatingin sa computer at nakikinig sa sinasabi ng guro namin. Ewan ko pero hindi naman ako ganito, minsan naman ay palagi akong active kapag may mga ganito pero sobrang tinatamad ako. "Ok, class. Please, open your camera." Nakangiting sabi ng guro namin. Hindi ko alam kung nang-aasar ba ito o ano pero parang masama lang ang pakiramdam ko sa ngiti nya. Agad kong inayos ang sarili ko at binuksan ang camera ko. Nang buksan ko ang akin ay nakabukas na ang sa iba kong mga kaklase. Dahil sa katamadan ay parang gusto nalang natulog. Wala sa sariling pinalibot ko ang mata ko sa mga kaklase ko at biglang tumama at huminto sa isang lalaki na kaklase ko din. Agad akong napalunok at parang biglang nabuhayan ang bulaklak kong––– charot lang. Dahil nagpabukas ng cam ang teacher namin, automatic na picture taking na. At ako naman ay pilit na ngumiti habang nakatingin sa kanya. Bigla ay parang gusto kong sumabog dahil parang nakatingin sya sa akin. Nang matapos na ay agad akong nagba-bye sa guro namin at impit akong tumili. Bigla akong nagulat ng biglang sumigaw si Mama galing sa labas ng kwarto. "Ano ba?! Bakit ba tili ka ng tili dyan?!" Sigaw nito. Ako naman ay napangiwi at humarap na ulit sa computer ko. Agad kong binuksan ang messenger ko at ch-in-at ang kaibigan ko. Preny Presley: Omg, Lacy!!!! Lacy: Ano yan? Bakit nanaman? Presley: Ang cute pala ni ano. Lacy: Nino? Ako? Thank you, te. Presley: G*ga, di ikaw. Si Lyron!! Lacy: Yung classmate natin? Presley: Oo! Lacy: Edi chat mo na Presley: Sure ka? Baka mabigla ko yon? Lacy: Edi wag mo biglain. Like Ganito Lyron, please, wag ka mabibigla. Crush kita Ganon! Presley: Hoy, di ko naman sya crush! Kunti lang! Lacy: Ewan ko sayo! Napanguso ako ng biglang mag-out si G*aga. At dahil baliw ako, sumunod din ako sa baliw na yon. Chinat ko si Lyron at wala pang ilang minuto, sumagot na ito. Lyron: Hey. Napatili ako dahil sa reply nya. Agad ko ding pinakalma ang sarili ko at nagreply sa kanya. Presly: Hi Lyron: Bakit ka pala nagchat? Presley: Wala lang. Lyron: Ahh, akala ko gusto mong. . . Presley: Ano? Lyron: Maging tayo. By the way, Pwede ka bang maayaing makipagdate? I mean, ligawan? Habang buhay? Bigla ay natutula ako at nang makitang online ulit ang kaibigan ko ay agad akong nagchat sa kanya. Presley: Hoy, bruha! Sabi mo, wag ko biglain?! Pero ako yung binigla!?? I'm Presley, and by the way, 3 years na kami ni Lyron ngayon. Salamat talaga at dahil naging kaklase ko sya, sana kayo rin. – The End –
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD