Today is Wednesday pagdilat ng aking mga mata agad kong kinuha ang cellphone para tingnan kung anong oras na 6:39 na pala ako gumising kaya dali dali akong bumangon pagtingin ko sa bed ni beshie wala na siya nakaramdam ako ng tampo, bakit hindi niya ako ginising ? . Paglabas ko sa sala wala nang katao - tao ,baka nasa kusina na silang lahat o di kaya yong iba nandito pa sa kani - kanilang kwarto. Pagdating ko sa kusina nandoon na si beshie naghahain na, hahayss akala ko pa naman pupunta ako ng school na walang kain.
" Besh bakit hindi mo ako ginising nong gumising ka ? " reklamo ko sakanya.
" Ginising kaya kita pero mukhang ang ganda nang panaginip mo kaya hindi mo namalayan " sabi niya.
"ehh ahh impossible, how come? " nalilito kong sabi sa kanya. How come na hindi ko namalayan, siguro masarap ang posesyon ko sa pagtulog kaya diko namalayan yong nasa paligid ko.
" Aba iwan ko sayo, 5: 41 na kaya ako nakagising " sabi niya sabay kuha ang plato niya. Hindi na muli akong nagtanong kinuha ko nalang din ang plato, siya na din ang nagluto ng ulam namin which is hotdog.
" Besh ako na angmaghugas iwan mo nalang diyan, mauna kanang maligo " sabi ko sa kanya na balak sanang maghugas.
" Ang bait mo talaga besh sana magkajowa kana " pabirong sabi biya sabay labas ng pinto sa kusina.
" Oh ate bat matagal kang bumangon ngayon " sabi ni Shiela na kakatapos lang maligo dahil may naka sabit pang towel sa balikat tas tumulo pa ang tubig galing sa buhok.
" Si Gina kasi hindi ako ginising " sabi ko sabay ligpit ng pinagkainan ko.
" Kumain kana " tanong ko sa kanya habang nilagay sa hugasan ang plato.
" Hindi pa ate , pero kakain na ako ngayon " sabi niya sabay kuha ng plato sa lagayan.
Pagkatapos kung maghugas ng plato nagpaalam na ako kay shiela na iiwan ko na siyang mag-isa sa kusina. Umakyat muna ako para kunin ang mga kaylangan kong gamitin para sa pagligo , nakalimot kung dahil sa pagdala kanina , sinong hindi mataranta kong late na gumising.
Pagdating ko sa cr iyon naman ang paglabas ni beshie galing sa loob.
Nilapitan niya ako at inamoy " Ang baho mo besh " sabi niya sabay takbo papunta sa taas.
" Walang hiya talaga tong babaitang iyon , kung ano lang ang lumalabas sa bibig " sabi ng utak ko.
Pagkatapos kung maligo umakyat na ako sa taas para pumunta sa kwarto upang maglotion at magbihis.
" Besh paubos na ang stocks natin, kaylan tayo pupunta sa palengke " sabi niya na naka upo sa kanyang bed at nagcecellphone.
" Ah ganoon ba pagkatapos lang ng klase " sabi ko
" Hoy besh mamaya pang 1:00 pm ang simula nang klase natin " sagot niya sakin.
" Aii oo nga pala, nakalimotan ko, sige punta tayo ngayon magbihis lang ako" sabi ko
"Sigeh sa sala sa baba lang kami maghintay sayo " sabi niya sabay sirado ng pinto.
Nagpag-isipan namin ni beshie na mamalengke muna kasi free kami hanggang 12pm ,basta Monday, Wednesday at Friday 1:00 pm - 3:00 pm lang ang meron kaming klase.Malapit na kasing maubos ang stocks ng pagkain na budget namin para sa one week ay hanggang Wednesday lang ang lakas kasi naming kumain lalo si beshie 3 days lang ubos na agad grabe ang hirap mag budget lalo na't matakaw kumain yong kasama mo. Kumain mona kami ng agahan bago pumunta sa merkado, anim kaming pupunta ngayon sa palengke; ako, si beshie , si Shiela, si Alia , si Riza at Ange. Si Shiela at Alia ka boarmate ko tas magkatabi lang din ang room naming apat , tatlo sila sa isang room puro yong isang kasama nila hindi na sumama kasi may pasok. Sina Riza at Ange naman sumama din samin maagang pumunta sa boarding house 8:39 pa lang e, ang klase nila 10 :00 am - 11 pm.
Pagdating namin hindi kami naghihiwalay pumunta muna kami sa mga gulay section tas sa karne at nag groceries din kami. Nagpaalam na mauuna na sina Riza at Ange saamin dahil may klase pa sila tas doon daw nalang daw kami magkikita sa boarding house kasi doon sila mananghalian.
Pagdating namin sa boarding house agad naming nilagay ang pinamili namin sa kusina at nagluto na din kami para pananghalian. Inaantay namin sina Ange at Riza para sabay na kaming kumain, nauna nang kumain yong iba naming ka boardmate.Nag text na ako kay Ange kung na saan na sila ang reply niya lang ay malapit na sila sa boarding house. after 3 minutes nag text si Ange na nandoon na sila sa gate kaya agad akong lumabas sa kusina at sinundo sila. si Beshie na ang nag prepare ng mga pagkaing niluto namin at nilagay sa lamisa. Pagdating namin nagreklamo agad si Riza.
" Giatay tong tawhana oi bagag nawong makasapot " sabi niya sabay upo sa bakanteng upuan.( nakainis talaga yong lalaki na yon ).
" Bakit anong nangyari " sabi ko na umupona din sa tabi niya.
" Kasi Merls kanina sa hallway habang naglalakad kami may biglang bumangga sa kanya kaya nahulog ang cellphone niya sa kanyang kamay, tas si Riza pa ang pinapagalitan kasi haharang - harang daw sa daan , ito namang si Riza nakatunga-nga lang na nakatanaw sa kanyang cellphonena nasa lapag" sabi niya nang naka tawa
"Lintik lang kung walang gante , look nagasgasan yung cellphone ko " sabi ni Riza na ipinapakita ang cellphone niya.
" Hahays tempered lang ang nagasgasan pwede mo payang palitan " sabi ko
" Hala sige chaka pa more kung hindi pa kayo nagugutom " reklamo ni Beshie.
" Sige kain na tayo nagugutom na ako " reklamo ni Ange.
Naghugas muna kami ng kamay tas nag pray bago kumain, sina Riza at Ange nagbaon pero nagshare - share naman kami sa ulam. Letsong manok ang ulam nila samantalang sa amin ay pinakbit. Pagkatapos naming kumain si beshie na ang nag presintang maghugas. We continue our chika - chika.
" Riza nakilala mo ba yong nakabangga sayo " tanong ni beshie habang naghuhugas
" Hindi ko nakita ang kanya mukha, nakatulala lang kasi ako eh, si Ange pa nga ang kumuha sa cellphone ko na nahulog " sabi niya.
" Kung nakita mo lang yong mukha niya Riz ang kinis para alagang - alaga nainggit nga ako eh " sabi niya.
" Eh ganoon ba wala akong paki , hindi man lang nagsorry " sabi ni Riza.
" Baka yon na yon... " pabitin kung sabi
" Na ano ? " tanong ni Ange
" Yong ka forever niya " sabi ko
" Ayeehhhhh sana all " sabay naming sabi sa kanya.
" Move on na kay dili gyod siya para sa imoha ,huwata mo abot ra siya ayaw'g kabalaka nga ...." kanta ni Ange.
" Tanga tumigil naka diyan Ange ang panget ng boses mo " reklamo ni Riza. Kaya ayon tumigil din habang naka pout.
Sabay kaming pumunta ni Beshie, Ange at Riza sa school, tirik na tirik ang araw tas wala ako payong buti nalang at girl scout yong dalawa ( Riza at Ange ) may dalang payong kaya, ako si Ange sa kanyang payong while si beshie nandoon kay Riza. Maingay kaming pumunta sa school tawanan at asaran. Nagkahiwalay na kami pagdating sa gate dahil magkaiba kami ang pupuntahan. Pagda namin sa room nandoon na ang instructor namin may kinulikot sa laptop niya.
" Good afternoon sir " magkasabay na sabi namin ni beshie bago umupo tango lang ang tanging sagot niya pagkatapos niyang kinulikot ang laptop nag discuss siya whole time
Own next instructor is nag discuss din agad just like the previous instructor. Mike Alvarez pala ang pangalan ng instructor namin sa RPH , 28 years old. Umuwi kami kaagad ni beshie para mag answer sa assignment namin na bukas na ipapasa.