CHAPTER 9
ATHENA POV
Pagka uwe ko ng Mansion,kaagad na tumungo na ako sa Kuwarto ko,nag bihis ako at pagkatapos ko,kinuha ko gamit ko about sa pagdedesign ng mga damit,lumabas ako sa balcony don ako umupo sa may table at nagdadrawing ako ng design na gusto ko,ito kase ginagawa ko kapag bored ako,3days from now bago mag start ang klase ko, wala pa nga rin ako ibang gamit eh,sabi naman ni tita Carina siya daw bahala sa lahat,ayaw ko naman pangunahan,nakakahiya magsabi,pumasok ako sa kuwarto at kinuha cp ko na keypad at nakinig sa recordings na mga kanta,sinalpak korin sa magkabila kong tainga yung earphone,ganito ako magdrawing,nakikinig sa musika para sa akin kase mas na iinspired ako.
JUSTINE POV
After ko masilayan yung babae sa University,parang hindi na mawala sa isip ko,nabanggit din sa amin ni Adrian na sa knila pala nakatira at pa scholar ni tita Carina,nabanggit korin kung may boufriend na pero iniiba lng ni Adrian ang usapan,umiral na naman pagka allergic niya sa babae kapag about sa babae ang topic,after namin mag Enroll umuwe na kami sa Mansion para ayusin mga gamit namin,well sa Mansion muna kami titira ng 1 month habang inaayos ung condo unit namin,magkakatabi lng unit namin nila jake,anrew at Prince kahit magkapatid kami ni Prince magka iba kami ng condo pero magkakatabi lang naman Room namin,nirerenovate parehas mga condo namin,sa Mansion na dapat kami pero nakakahiya rin naman kase,pagka uwe namin ng Mansion dare darecho lang si Adrian papunta sa Room niya pano ba naman puro ung Babae topic nila maliban nlng din sa kambal ko,tahimik din kase yon, si jake at anrew lng tlga yung takaw sa babae,maya maya sumunod narin kami kay Adrian at naglaro ng online games,halos ang ingay namin sa kuwarto,tinamad narin ako mag laro at tumungo sa balcony,nakita ko yung babae na pa scholar nila Adrian na si Athena,pinagmamasdan ko siya napakaganda niya kahit nakayuko siya habang abala sa pagdadrawing,napangisi ako habang pinagmamasdan siya,maya maya lng bigla na akong tinawag sa loob kaya pumasok na ako.
ATHENA POV
Mga ilang oras din ako nagpaka abala sa pagdadrawing, maya maya pumasok narin ako sa loob,tatawagan ko sana sila Mama pero wala na pala akong load,kaya hintayin ko na lamang na tumawag sila sa akin,wala narin kase tlga akong extra.money dito, maya maya ng biglang may kumatok.
Pagbukas ko ay si Manang pala.
" Yes po Manang?"
"Bumaba kana para mag meryenda"
" Sige po Manang susunod na po ako"
kaagad naman na umalis si Manang at isinara ko ang pintuan,inayos ko lamang ang mga gamit ko, naka oversized shirt ako at maiksi na short kaya parang wala akong pang ibaba dahil malaki ang damit na suot ko, mas comportabl kaseng suotin eh,nakapuyod naman ako ng lahatan na nakabangs,dko na need mag lipstick dhil di nama putla labi ko, kaagad na ako tumungo paibaba,nag elevator nalng ako para mabilis,pagka dating ko sa hapag kainan nakahain na ang meryenda,nagluto si Manang ng Macaroni pasta at nagtimpla ng Apple juice, bale 6 plate and 6 na baso rin ang nasa lamesa at may malaking bandehado na naglalaman ng Pasta,it means makakasabay kopa ata ung mga kalalakihan na Mag meryenda,umupo na ako at nagsantok maya maya lang ng hindi nga ako nagkakamali at dumating na ung limang lalaki ung 4 na pinsan ni Suplado at si Suplado,ngumiti lang ako sa mga ito habang tinatapunan naman nila ako ng mababangis na tingin na akala mo ngayon lang nakakita ng Babae habang si suplado seryoso lamang umupo at nagsantok at kumain,yung isang kambal medyo tahimik din,parang si suplado din kung umasta,ewan koba bakit kapag si suplado ung kaharap ko lagi ko nararamdaman pag init ng pisnge ko, ung set up ng upuan, kaharap ko si suplado na nagigitnaan ng kambal at katabi naman ng isang kambal ung Isang pinsan ni Adrian at katabi ng isa pang pinsan ni Adrian then 2 extra seater at ako,diko pa kase alam name nila eh,tahimik lang kami na kumakain maya maya lang ng matapos na ako kumain tumungo ako sa may Sala at umupo sa sofa,nagbabsa nlng ako about sa designer,maya maya lng ng bigla bumukas ang tv dahil binuksan na ni Suplado kasunuran ko lng pala siya,gaya nga knina tahimik lang din,tanging TAo lng sa tv ang nagsasalita habang seryoso manood si suplado,maya maya lang ng biglang may bumasag sa katahimikan namin ng dumating ung 4 na pinsan ni suplado,naghaharutan kase sila at nagbatuhan na ng unan na parang mga under age pa kung magharutan.
"Hi Athena,I'm Justine" bati sakin at pagpapakilala ng Isa sa kambal at nakioag shake hands ako dito.
"Hi , I'm Jake and this is Mathew twin of Justine and this is Andrew " isa isa ko silang kinamayan pagkatapos ipakilala sa akin ni Jake, makukulit sila at halata naman na mababait din,kung tatanungin niyo kung gwapo din? Yes ang gwapo nila,masasabi kong ang gaganda ng lahi nila ang sarap magpalahi, joke lang, pano ba naman kase mga mata nila ang sisingkit tapos ang tatangos ng ilong tas mga mata nila blue eyes like kay suplado ang sarap nila titigan,bakit koba iniisip yon,pagkatapos nila magpakilala sakin marami sila ikunwento habang si suplado napapa iling nalang sa mga kakulitan ng mga ito at napapangiti,ngiti na ngayon ko lang nakita sa kaniya napatingin ako sa kaniya at kaagad nama sumeryos mukha niya,tapos yung si mathew na akala ko kanina di makabasag pinggan eh napaka dalda pala, napapahali gikhik nalang ako sa knila dami nila mabebentang joke din basta ang kulit nila kasama,mukhang magkakasundo kami ng mga ito,halos hindi kona nga namalayan na gabi na pala, kaya nagpaalam na ako sa mga ito at tumungo sa kwarto ko.
FAST FORWARD !!!
Halos 3 YEARS narin ang lumipas ng tumuntong ako sa Mansion na ito,naging close ko rin ung 4 na pinsan ni Adrian,hindi na sila tumira sa condo nila ,dito nalang sila tumira sa Mansion, si Adrian medyo madalas narin ang pag ngiti niya yun nga lang kapag nahuhuli ko ngiti niya kaagad na sumeseryoso ito,nung nagkasakit nga ako eh,maalaga mga tao dito isama mopa mga Pinsan ni Adrian,tinuring nila ako na little sister nila dahil wala daw sila.kapatid na babae,kaht i Jake na playboy eh maalaga din sakin,pero kapag nagpapatulong naman sila about sa mga projects nila tinutulungan ko sila, nagkaroon din ako ng babae na kaibigan yon si Michelle laking probinsiya rin pero sa Mindoro naman siya,ulikang lubos kaya nagdecide magluwas sa Manila at nag apply for scholar sa pinapasukan niya bilang kasambahay,at don ko napagtanto na ang Anak ng amo niya eh bestfriend ko na si Angelo, nalaman ko narin na si Angelo nag aaral sa LsPu na pinapasukan ko,isang beses kase binully ako ng HG5 at pinangtanggol ako ni Angelo laking gulat ko nga dahil nag aral kami sa iisang University lng,after non nareport ung Hg5 at napatalsik sa university ayaw kase ni Angelo maulit muli ung nagyare sakin, Halos buwan din lumipas after ng insedente at dko narin nakita si Angelo sabi lang ni Michelle nagpalitt daw ng kurso at university at mas pinadali ang pag graduate niya,naging busy narin siya pagka graduate kaya wala na kami contact sa isa't isa,sila mama at tito fred at mga kapatid ko nakakaraos naman daw sila kaht papaano problema lng nila ung pag college ni Rafael dahil bagsak siya sa mga scholar, ewan koba don,nabarkada daw kase kaya ayon,habang si Izhaack naman eh nag aaral na rin ng grade 2 madami na nagyare sa Buhay ko ngayon 1 month nlng din at gagraduate na ako,naging busy ako sa Thesis ko ngayon , ganon din ung magpipinsan,kung tatanungin niyo kung ano kami ni suplado ngayon?masasabi ko na medyo oky kase nag iimikan naman kmi pero napakaseryoso parin niya,basta kada mapangiti siya at mahuli ko yung ngiti na iyon bigla siyang nabalik sa pagkaseryoso niya,nakausap korin parents ni Suplado at sa knila ako magtatrabaho bilang 1 designer nila, after graduation ko magtatrabaho ako sa kanila,okay naman dito sa Mansion,yun nga lang madalas nag ku cruz parin landas namin ni Joana leader ng HG5 bully sa campus, panay pa cute lagi ang alam kay suplado, palibhasa bussiness partner ng daddy ni suplado ang daddy niya at nalaman ko pa na makakasama ko sa trabaho dahil magiging model siya ng AAC CLOTHING DESIGNER, for short magiging model ng mga design ko,ngayon plng kinakabahan na ako eh, kaya ko habaan pasensiya ko pero pagdating sa kaniya hindi ko kaya..
Lumipas ang mga araw at linggo ito na pinakahihintay ko ang aking pagtatapos,kinakabahan ako habang nakaupo, nasa kabilang upuan naman ang mga parents and sponsor ng mga scholar students,si Mama lamang ang lumuwas dahil wala kasama mga kapatid ko sa probinsiya,tsaka nakakahiya rin kase kung luluwas silang lahat,balak ko sana mag bakasiyon muna ng 1 buwan sa palawan kaso nakapirma nako na after graduation ko magstart nako ng pagdedesign sa AAC Clothing,maya maya lng ng tinawag na ako , The One of our Top 1 students and Zuma-Cumlaude,best in designer,best in Arts best and more Awards and achievement for short Our HAKOT AWARD is The one of students in Designers Ms.Athena cheng Conception !please give her arround of applause !! Agad ako tumayo at tumuno sa stage kasabay ng mga pagtayo ng mga Magulang at sponsors at binigyan ako ng masaganang palakpakan, halos naiiyak ako nung nasa stage na ako, kita korin ung mga pinsan ni Adrian na bumuka ang mga bibig at sinabing "Congrats ". After ko mag speech sa stage kinuhanan kami ng pictures ng mama ko kasama sila Mrs and Mr.Zheng at ang Professor ko, nakita korin si Adrian na nakangiti at pumalakpak ngunit ng makita ko kaagad na sumeryoso,After ng pagtitiis ko,at paghiwalay sa parents ko,eto na ako ngayon nakapag graduate na at magkakatrabaho na,malpit kona makamit ang pangarap ko bilang isang designer after non magkaroon mg sariling clothing brand na sarili kong desenyo at magkaroon ng sariling bahay at lupa, at mapagtapos ang mga kapatid ko para makatulong knila mama at hindi na kailangan magtinda ng isda.Pagkatapos ng graduation kaagad na kami umuwe kasama si Mama at nakasakay kaminsa sasakyan nila Tita Carina, maingay sa loob ng sasakyan mga tawanan ni tita Carina at Mama nagkakasundo silang dalawa,habang si tito napapa iling iling nalang at napapangisi,parehas kase makulit si Mama at si Tita Carina, siguro kung nandito si tito Freddie makakasundo niya si Tito Alfred.Pagkadating namin sa Mansion hindi ko inaasahan na may pa surprise party pala sila tita sa amin nila Adrian ,nandon halos lahat ng ka Batchmate namin,naka dress naman kase kaming lahat na mga babae napatungan lang mga toga namin,ako naka suot ng fitted red dress na hubog ang katawan ko at naka hills ng 1 inch,naka curly hair na ashgray ang color at may bangs,at tamang lipstick lng na hindi makapal,halos napatingin nga samin lahat ng dumating kami,una ko talagang nakita si Adrian,papalapit siya sa akin na may hawak na boquet of flowers,halos ma stadwa ako sa kinatatayuan ko, OMG!sa akin ba yung flowers na yon? hanggang sa makalapit na sa pwesto namin sabay abot ng flowers sa akin.
"CONGRATS HAKOT AWARD GIRL" nakangising sambit neto sa akin
"Congrats din sa iyo,at s-s-salamat" pautal na banggit ko at nararamdaman kong namumula na ang pisngi ko.
" Don't think too much,graduation gift ko lang sa iyo yan" sambit niya at sabay alis na nakangisi.
Nawala ung ngiti sa mukha ko na napalitan ng Inis,bwiset tlga yon kaht kailan eh! Bakit sino ba yung nag isip ng kung ano,tsk!gwapo nga Epal naman!
"Congrats Athena"
Napalingon ako sa likuran ko at nagulat ako kay Angelo,medyo napa awang pa nga bibig ko at napakangwapo niya ngayon, pero hindi ko siya type sadyang iba lang pormahan niya ngayon.
"Alam ko naman gwapo ako,kaya pakisara na ng bibig mo"sambit ni Angelo sa akin at sabay hawak sa bibig ko na inikom niya ang aking bibig.
"Duhh! gwapo? Asa ka!!" bawe ko sa sinabi niya at napangiti lng ito at inabot sakin ung maliit na box,binuksan niya ito at naglalaman ng Necklace ,kaagad naman niya kinuha sa box at inilagay sa leeg ko.
Graduation gift ko sa iyo ito at bawe narin sa maraming panahon na naging busy ako,sa ibang araw ko nlng ikwento sa iyo.For now lets celebrate your graduation day.
Nakangiting sambit neto sa akin,at biglang nagtugtog ng sweet dance at inaya ako sumayaw ni Angelo,tatangihan kona sana kaso nakita kona sumayaw na sila Adrian at si Joana,hindi ko alam pero bigla ako nakaramdam ng kirot sa puso ko,nahuhulog naba ako sa kaniya?pinipigilan ko yung namumuong luha sa mata ko na sa tingin ko bubuhos na,sa tagal naming magkasama sa iisang bahay ni Adrian,hindi ko alam itong nararamdaman ko,minsan kase kpag may sakit ako siya tlga nag aasikaso sa akin,pero iniisip ko lang tlga non na dahil wala parents niya kaya siya Guardian ko sa Mansion.
"MAHAL MONA BA SIYA?" napabaling naman ako sa nagsalita sa harap ko,kundi si Angelo.
Huh? Ah- eh,h-h-hindi no! NO WAY!!
"Don't deny it Athena,i know you "
Wala na ako imik kay Angelo since hindi ko naman tlga maitatago dito at ala naman neto kapag nagsisinungaling ako,maya maya lang ng napabaling ako kay Mama na nag iisa nalang sa table at nilapitan ko ito.
"Mama, okay ka lang poba?"
"Ou anak,medyo hindi lang sanay sa ganitong okasiyon,tsaka gusto kona sana magpahinga at tatawagan narin sila tito mo Freddy kaso hindi ko alam san ba ang kwarto mo, sensiya na anak huh,alam ko naman na graduation mo ngayon kaya dapat icelebrate pero ayoko sana ng ganito,gaya nan wala man lang ako maibigay sa iyo" - naiiyak na sambit ni Mama.
"Mama,ano ka poba,mahalaga po sa akin nakarating kayo sa graduation ko,tsaka ako parin anak niyo na si Athena,hindi ako materialistics Mama" kaagad ko niyakap si Mama at may biglang nagsalita.
"Athena! " tawag ni Manang felly sa akin .
"Bakit po Manang?"
"Baka may kailangan pa kayo kainin ni Mama mo?pinapatanong ni Ma'm Carina".
"Wala naman na po Manang,pero gusto na ni Mama magpahinga,pwede mopo ba samahan sa kuwarto ko po?"
"Sige iha,tara na ho Ma'm "
" Rowena nalang kakahiya naman tawagin mo akong Ma'm,bisita lang naman ako dito" Sambit ni Mama
" Sensiya na po,este pasensiya na Rowena,nakasanayan lang kase namin dito sa Mansion"
"Sige na po Mama,sunod nalang po ako,kausapin ko lng mgakabatchmate kopo"
"Sige anak,tatawagan korin kase si tito fred mo,enjoy ka lang diyan anak,sige una na ako" -paalam sa akin ni Mama
Gusto ko samahan si Mama pero sabi kase nila tito alfred sa akin kanina papakilala daw nila mga makakatrabaho ko sa company nila,tsaka ito narin lastday na makakabonding ko mga kabatchmate ko,kanina kopa hinahanap kaibigan kona si Michelle pero hindi ko makita eh,si Angelo bigla narin nawala pero biglang tumunog cp ko, at tiningnan ko text ni Angelo.
" Una na ako Athena,may emergency lang sa company namin,kaya hindi na ako nakapag paalam ng personal,bawe ako nextime,Congrats uli and enjoy,pahinga kana rin".
Nakakapagtaka lagi nalang Emergency kay Angelo? may problema kaya yon?pero sabi naman niya nextime,malalaman korin yon sa mga ikwento niya sa akin,gusto kong magpahangin muna sa garden,tumungo ako don at nakita ko si Adrian na nag iisa,may hawak siya na maliit na box,tinitingnan niya ito habang hawak ang isang wine,lalapitan ko sana ito ng biglang yumakap patalikod sa kaniya si Joana,bigla na naman akong nakaramdam ng kirot sa puso ko,kaya tumalikod ako at dali daling umalis don,hindi ko kase kayang makita eh,Mahal kona nga ata talaga si Adrian,pero huli na ako at mukhang may girlfriend na siya,may iba na siyang mahal,mahirap ipagsiksikan ang sarili mo sa taong hindi ka naman Mahal,masasaktan ka lang.Kaagad ako tumungo sa venue,at saktong nilapitan ako nila tita Carina,sinabihan lang nila ako na sa first day of work ko nlng daw makikilala yung mga makakatrabaho ko dahil hindi daw makakapunta at nasa meeting pa daw,nagpaalam narin ako na sasamhan ko sa kuwarto si Mama,pumayag naman sila ,naging reason ko nlng yon para hindi ko makita si Adrian,namumuo na luha ko,na alam kong maya maya lang ay papatak na,dali dali akong tumungo sa loob at nakabangga kopa si Justine.
"Athena?may problema ba?" tanong niya sa akin ngunit nakayuko lang ako,hinawakan niya ang mukha ko at inangat at hindi kona napigilan ang mga luha ko na alam kong pumatak na at niyakap naman ako ni Justine,binuhos ko lahat ng luha ko,hindi na ako muling tinanong ni Justine,hinagod lng niya ang likod ko,iniyak ko lng ng iniyak.Maya maya pa ng alam kong may nakakapansin na sa amin kaya tumanggal na ako sa pagkakayakap kay Justine.
"Salamat Justine" sambit ko dito
"okay lang yon,okay kana ba?wala naba uulanin na luha?" pabiro sa akin ni Justine na alam ko naman na pinapatawa lang ako,nagpaalam narin ako dito at tumungo na sa kuwarto ko,wala rin naman ako balak sabihin kay Mama tungkol dito sa nararamdaman ko,pagkabukas ko ng pintuan ng kuwarto nakita kong mahimbing na natutulog si Mama,lumapit ako dito at yumakap,hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
ROWENA POV
Naramdaman ko na lamang na may yumakap sa akin,at alam ko na si Athena ito,napagod siguro, proud na proud ako sa anak ko dahil nagtyaga siya makapagtapos para sa mga pangarap niya,basta lagi kong susuportahan ang mga pangarap niya,mahirap sa akin na malayo sa anak ko lalo pa na madalas lang namin makausap dahil sa mahirap ang signal sa amin,kung makahagilap man ng signal hindi naman soya matawagan marahil busy rin,humarap ako sa anak ko at mabilis ito nakatulog,hinimas himas ko ang buhok neto,bukas uuwe na ako,iiwanan ko na naman ang anak ko,baka taon na naman bago ko makasama ang anak ko,kung naririto lang ang Ama niya malamang proud na proud iyon,pero wala parin kami balita tungkol sa Ama niya na si Mateo De chavez firstlove ko pero nung nalaman ko na ikakasal na sa iba ,nakipagbreak ako,after 1 month na hiwalayan namin,nalaman ko nama na buntis ako kay Athena pero hindi ko ipinaalam sa Ama niya,kaya mag isa kong pinalaki si Athena, hanggang sa nakilala ko si Freddy ,tinuring niya na totoong anak si Athena magmula noon,hanggang ngayon kaya napakaswerte ko sa kaniya.
Hanggang dito muna madlangs,madami napasok sa isip ko, malapit na yung masasakit na mararanasan ni Athena dito,damayan niyo siya sa pag iyak...