Elizabeth's Point of view....
Hanggang ngayon hindi pa rin ako makamove on sa nakasalubong ko kanina kaya kinwento ko ito kay Aling Theresa kung ano ang mga nangyari sa akin nung araw na iyon.
"Aling Theresa ang gwapo talaga ni Prince John at ang bait nya sayang at hindi si Crown Prince Edward ang nakita ko." Kwento ko kay Aling Theresa habang hinampas ng mahina ang kanyang brask sa di maipaliwanag na kilig.
"Hay! pinaaalahan lang kita na alamin mo kung saan ka lulugar, huwag mong kakalimutan na rumespeto sa kanila." Paliwanag ni Aling Theresa na parang naguguluhan din sa kanyang sinasabi.
"Ano pong ibig nyong sabihin?" Tanong ko sa kanya dahil di ko maintindihan ang mga pinagsasasabi nya.
"Wala! wag mo ako ng pansinin mga sinabi ko nahawa na ata ako sa mga pelikulang pinapanood ko." Magulong imik ni Aling Theresa sabay naglakad palabas ng pinto pero tumigil sya at humarap muli sa akin.
"Bilisan mo na dyan para di ka mahuli sa pagpasok!" Saway ni Aling Theresa sabay sarado ng pinto ng kwarto ko.
Pumasok ako ng banyo at naligo pagkatapos non ay nag toothbrush. Bumaba ako sa kwarto ko at umalis ng hindi nag bebreakfast dahil sa cafeteria ako kakain para makapag review din ako kung sakaling may mga surprise quizes na magaganap ngayong araw.
3rd Person's Point of view....
"Can I come in? pwede ba tayong mag-usap?" Tanong ng Reyna ng pumasok ito sa silid aklatang ng Hari.
"Okay ka lang ba?" Tanong ng hari sa reyna ng makita ang bakas ng kalungkutan sa kanyang mga mata.
"Kelan ba natin makikita ang dati nating katulong para makita na natin sya. Kailangan ko ng makita ng unang Prinsesa." Hindi na napigilan ng reyna ang pagtaas ng boses nya lalo na ng maalala na halos 9 na taon na nyang di nakakasama ang una nyang anak na babae na napahiwalay sa kanila.
"Wag kang mag alala hindi pa naman ito ang panahon para magpakasal sya at humalili sa iyong korona. Bakit ba hindi na lang ang pangalawang prinsesa ang ipakasal mo? O ang magmana ng iyong korona?" Suwestyon ng hari para pagaanin ang loob ng reyna kahit na nag-dadalawang isip din sya sa mga tinuran nya.
"Nababaliw ka na ba? sa tingin mo papayag ako ha! ayokong sirain ang pagkakaibigan nila ng dahil sa kasal! Bukas na lang tayo mag usap, hindi rin naman tayo magkakaintindihan kung ganito ako ngayon." Sambit ng reyna habang pinupunasan ang mga luhang hindi na nya maiwasang hindi tumulo. Sa halos ilang taon nyang nasa trono ay hindi nya kailanman pinakita sa mga nasasakuoan nya ang kaniyang kahinaan at ito ay ang kaniyang ---- pamilya.
Elizabeth's Point of view...
Nandidito ako ngayon sa Cafeteria nagrereview para mamaya. Inantok naman ako biglakaya sinub-sob ko ang ulo ko sa lamesa, pero may napansin akong taong umupo sa harap ko pero hindi ko muna pinansin dahil siguro dala ng kaantukan ko pero maya-maya ay nagbuntong hininga sya bago nagsalita.
"Eliza, I'm sorry about last night I was just busy for the preparation for John's birthday." Sambit nito na parang nagpapaliwanag. Hindi ko man lagi naririnig ang boses na ito pero alam kong sya to.
Kaya napagdisisyonan ko na iangat ang ulo ko para sagutin sya at sabihin na nagkamali sya ng taong kinausap.
"I'm sorry your highness, I'm not Princess Eliza excuse me." Sambit ko sabay bow at inayos ang mga gamit ko saka tumayo pero pag minamalas ka nga naman! Makakailang bunggo ba ako kada araw!
"Pasensya na nagmamadali kasi ako," Paghingi ko ng paumanhin at hindi na tumingin sa nakabunggo ko dahil nakatingin ako sa mga gamit ko na nagkalat sa sahig.
"Elizabeth right? Sabi ko na nga ba magkikita ulit tayo eh!" Napatingin naman ako sa lalaking nagsalita awtomatikong nagbigay ako ng galang ng makitang si Prince John pala ang nakabungguan ko.
"Your Highness!" Sambit ko ng hindi tumitingin sa kanya.
"Do you know her John?" Tanong ni Crown Prince Edward na nasa likod na pala namin.
"Yes I know her I met her yesterday the one that I told you last night." Sagot ni Prince John kay Crown Prince Edward ay oo nga pala magkikita kami ni Stephanie ngayon sa garden.
"Excuse me I have to go Princess Stephanie is waiting for me." Paliwanag ko at nagbow na sa kanila para umalis na at pumunta sa garden pero may humawak sa wrist ko.
"You really look like Princess Eliza in some ways kaya siguro nalito si Crown Prince Edward." Seryosong imik ni Prince John saka lumingon kay Crown Prince Edward na seryoso ring nakatingin sa akin.
"Ang ganda ko naman kung nagkataon, sige po Your Highness I have to go." Sabay takbo ko papunta ng garden at di na sila nilingon pang muli.
Napailing na lang ako ng maalala ang sinabi ni Prince John. Ako, kamukha ni Princess Eliza? ang ikalawang Prinsesa? Napakaimposible namang mangyari yun.
Ang ganda nga sigurong maging kamukha si Princess Eliza sa ganda at talino pa lang nya napakaswerte na talaga. Sana kagaya nya na lang din ako pero alam kong imposible naming mangyari yun.
"Ang lalim ata ng iniisip mo ah," Lumingon ako at nakita ko si Stephanie na seryosong nakatingin sa akin.
"Sabi kasi ni Prince John I look like Princess Eliza daw, tapos akala ni Crown Prince ako si Princess Eliza kanina sa cafeteria, ganon na ba ako kaganda ha?" Paliwanag ko sa kanya habang seryosong nakatingin sa langit at kumakain ng burger na binili ko kanina sa cafeteria.
"Sometimes you look like Princess Eliza and Princess Elizabeth kung tanggalin mo lang ang glasses mo. Saka you are beautiful in your own way." Sermon ni Stephanie sabay hila sa akin para makatayo ako sa pagkakaupo ko sa damuhan.
"Tara na sa classroom baka ma late pa tayo!" Imik ni Stephanie at inayos na ang sarili nya.
"Mauna ka na hindi pwedeng makita tayo ng mga classmates natin." Imik ko sabay tulak palayo sa kanya at pinagpagan ang palda ko na may konting d**o.
"Ayaw mo ba akong makasama?" Di ko alam kung bakit lagi nya yang tinatanong kasi imbes na sya ay dapat ako ang nagtatanong sa kanya nyang mga katagang yan.
"Hindi naman sa ganon alam mo naman ang mga tao sa Academy I hope you understand our situations, hindi naman kasi tayo pareho ng kinalakihang mundo." Paliwanag ko sa kanya para maintindihan nya ang dahilan ko kung bakit ako nagkakaganito. Ayoko lang ng g**o.
"Okay I'll be going follow me in a minute, okay." Sabay tap nya sa shoulder ko at naglakad na sya papuntang classroom.
Pagkatapos noon naglakad na ako papunta ng classroom at umupo sa upuan ko nakita ko naman si Stephanie na ngumiti sa akin kaya ngumiti rin ako sa kanya.
"Good Morning class so let's start the first quiz pass the paper after 20minutes."
Nagsimula na akong magsagot at napakaswerte ko na napapag-aralan koi tong mga ito. Siguro kailangan ko lang talagang magbasa ng magbasa para di na ako mahirapan sa mga susunod na lessons kung sakali.
"Okay class pass your papers in front Hana(1),Dul(2),Set(3)" Imik ni prof and timing si prof dahil saktong lunch break na kaya lumabas na ako ng classroom at pumunta sa locker ko pero may nakita akong envelope kaya binuksan ko ito.
Hindi ko alam kung bakit ako magkakaroon ng bagay sa loob ng locker ko lalo na at hindi sa akin maliban kasi sa mga gamit ko ay minsan ay patungkol sa pambubully lang nila ang laman nito kaya minsan ay hindi ko na rin binubuksan.
Dear:Elizabeth Cruz
I know your 18th Birthday will happen 4 months from now and I'm excited to see you because its been 9 years since I last heard your sweet voice. And by the way I know your happy with Aling Theresa but in time I have to do something about it and Aling Theresa will help you to bring you back where you belong.
Sincerely,
Mr.K
I don't know kung saan galing yung sulat pero naisipan kong baka alam to ni Aling Theresa kaya napagdesisyunan ko na tawagan sya.
"Aling Theresa can we talk after school?"
(Sige, be safe after class)
"Sige po salamat."
CALL ENDED
Dahil sa nakita kong sulat nawala na ang gutom ko kaya pumunta na lang ako ng library para isauli ang libro na hineram ko at para maghiram ulit ng bago.
"Elizabeth excited na ako makilala si Princess Elizabeth" Pagpipigil ni teacher Abby na sumigaw sya ang librarian dito kaya naging close kami.
"Ha? akala ko po ba hindi pa sya nahahanap? paano nangyari yon." Nagtatakang tanong ko kay teacher Abby dahil sa pagkakaalam ko ay nawawa ang Crown Princess.
"So di mo pa nakita sa f*******:, or even twitter? Nagpost na ang official page ng Royal Family." Paliwanag ni Teacher Abby at ipinakita sa akin ang mensahe patungkol sa nawawalang Prinsesa na si Princess Elizabeth.
ROYAL FAMILY_SK
We are please to announce that Princess Elizabeth Monotozaki Bae's 18th birthday is nearly coming. The day after her birthday the King and the Queen will give Princess Elizabeth role as the Crown Princess legally after her said birthday.
"So Princess Elizabeth, Princess Eliza and Princess Stephanie are half japanese?" Seryosong tanong ko sa ilang years na kaibigan ko si Stephanie halos lahat alam ko pero di ko alam kung anong lahi nya para naman akong tanga nito. Ang akala ko nabasa ko na lahat ng libro patungkol sa kanila ni hindi ko manlang narealized na yung Monotozaki pala sa pangalan ni Stephanie ay middle name nya I thought second name nya yun.
"Can you tell me the story about the royal family, ma'am?" Tanong ko sa kanya.
"Oo naman bakit hindi." Sagot nya sa akin saka umupo sa bakanteng upuan ng library.