Denise
Isang mapait na ngiti ang gumuhit sa mga labi ko habang pinagmamasdan ko ang labas ng bagong bahay na uupahan namin. Bumalik kami ng de hermosa dahil kong hindi kami lalo na ako magiging komportable kung makita at makasalubong namin si Shawn o sinumang malapit sa kaniya.
“Nak, okay ka lang?” Bumalik lang ang aking ulirat nung marinig ko ang boses ni Nanay kaya napalingon ako sa kaniya.
Ngumiti ako hinawakan ko ang mga kamay niya habang nakatingin ako sa bago naming tutuluyan. “Nay, pasensya na ho, alam kong binenta niyo ang bahay natin dito sa de Hermosa noon para makalipat sa San Lorenzo at wala pa tayong isang taon do’n pero.. ito ho tayo-“
“Sshh, wala kang dapat ihingi ng tawad, nak. Hindi mo naman ginusto yo’n.” Malambing na sambit ni Nanay kaya niyakap ko siya ng mahigpit dahil hindi ko maiwasang hindi maging emosyonal.
“K-kailangan ko na naman hong maghanap ng bagong trabaho.” Emosyonal kong reklamo kay nanay habang humihikbi.
“Ate..” Napalingon kami ni Nanay nung tawagin ako ni Josh at nakita namin siyang bitbit ‘yung kahon na may lamang gamit namin kaya napabitaw ako kay Nanay at hinarap namin siya.
“Ate, sabi ng titser ko.. baka hindi na ako payagan makalipat ng school ngayong taon. Hindi na daw puwede ngayon kasi kalagitnaan na ng sem eh kasi at graduate na din kami. Tapusin ko na lang ‘yung doon teh tapos dito ako maghahanap ng school para sa college.” Nakangiting paliwanag niya pero alam kong hindi siya gano’n ka okay na mag biyahe araw araw papunta sa kabilang bayan.
“Gusto mo bang mag-dorm?” Kunot noong tanong ko sa kaniya habang nakahalukipkip ang mga kamay ko.
Umiling siya at ngumiti. “Hindi na ate, gastos lang yo’n! Kaya to.” Pagc-cheer up pa niya sa sitwasyon namin.
Naluluha ako dahil sa naging reaksyon niya. Lumapit ako at bahagya kong tinapik ang balikat niya. “Sige na, tulungan mo muna si Nanay na mag ayos dito at may aaplyan ako ngayong araw.” Nakangiting utos ko sa kaniya bago sila iwan ni nanay. Ngayon kasi ang schedule ng interview ko doon sa company na pinag sendan ko ng application.
Nakakatuwa nga nag iisa lang yo’n na nagsend sa akin ng interview schedule. The rest ay sa mga restaurant o coffee shop na pero hindi kasi sasapat ang suweldo ko do’n. Mas malaki pa din talaga ang kikitain ko kapag ganito.
Nasa sakayan na ako ng jeep nung makatanggap ako ng text message mula sa pinag aapplyan ko.
“Ms. Vergara, This message is to inform you that we decided to change place where you will be interview by our boss. In accordance with his availability and convenience. 145 Makling St. Rest-cafe.” Basa ko doon sa text message mung HR sa akin. Napalingon ako sa buong paligid tapos napagtanto ko na malapit lang dito ‘yung sinabing café dito sa text kaya napag-decided ako na lakarin na lang.
Habang naglalakad lang sa gilid ng kalsada ay nagulat ako nung biglang may bumusina sa akin kaya napalingon ako sa kotseng yo’n. Sisinghalan ko sana pero bigla niyang binaba ang binta niya at nagulat ako nung mapagtanto kong si Tristan pala yo’n.
“Denise? You’re back in De Hermoso?” Gulat na tanong niya tapos ay dali dali siyang bumaba sa kotse niya.
“Ah, oo-“
“Gusto mo bang sumabay. Sa loob na tayo mag usap.” Magiliw pang alok niya pero umiling ako.
“Hindi na, ah malapit lang naman ‘yung pupuntahan ko. Diyan oh sa may Rest-cafe.” Nakangiting paliwanag ko pa sa kaniya pero umiling siya at ngumiti.
“What a coincidence, diyan din ang punta ko.” Magiliw niya sabi kaya napa angat ako ng kilay.
“Gano’n ba?! Hindi ayos lang talaga, mauna-“
“Hindi! Tara na, ano ka ba huwag ka nang mahiya. Ito naman parang others.” Magiliw pa niyang tanong tapos hinila niya ako papunta sa passenger seat.
“Mukhang mag-aapply ka ah, ibig sabihin ba, for good ka na ulit dito?” Mausisang tanong niya nung makapasok kami ng sasakyan niya. I wonder kung nakuwento na ba ng pinsan niya ang nangyari sa amin.
“Oo..” Tipid kong sagot.
“You left him?” Sarkastikong tanong niya kaya hindi ako agad nakasagot.
“Ibang klase ka talaga! Bilib ako sa’yo. Ikaw lang nakagawa niyan kay Shawn.” Natatawang komento pa niya.
“Tama ka. Masyado pang maaga at saka maraming magiging problema kapag ipinagpatuloy pa namin ang relasyon namin.” Mariin at sarkastikong kuwento ko pa sa kaniya.
“Still, hanga ako sa’yo. Si Shawn ang nang iiwan ng babae tapos ito ka, iniwan mo siya.” Sarkastikong at tatawa pa niyang biro.
“Loko ka talaga, pinsan mo yo’n.” Nakangiting biro ko pa pero umiling siya.
“I know. Nakakatawa lang ‘yung mga pangyayari. Hindi nga nagkuwento ‘yung gagong yo’n kung bakit mo siya iniwan eh. Baka nahiya.” Sarkastikong kuwento pa niya kaya napahinga ako ng malalim at parang nakahinga ako ng maluwag dahil sa totoo lang ay gusto ko na lang ibaon sa limot ang lahat. Kung anuman ang nangyari sa amin ni Shawn, sa amin na lang yo’n at wala nang dapat iba pang makaalam.
“Nandito na tayo.” Nakangiting sambit niya bago bumaba ng sasakyan at pinagbuksan pa niya ako ng pintuan.
“Salamat.” Nakangiting sabi ko tapos ay mauuna na sana ako papasok sa loob dahil magp-park pa siya nung biglang may tumawag sa kaniya at napalingon siya sa akin.
“Denise, wait.” Mariing pigil niya habang may kausap sa cellphone at pinakikinggan niya ang sinasabi no’n.
“Oh, okay.” Rinig kong saad niya sa kausap tapos ay binaba niya ang tawad at ngumisi sa akin.
“Sa dinadami ng makakasalubong ko sa daan ikaw pa talaga, tapos ikaw din pala ‘yung tinutukoy ng HR na applicant?” Gulat niyang sambit at doon ko lang napagtanto ang ibig niyang sabihin.
“I-ikaw ‘yung boss-“
“You’re hired, Denise.” Nakangiti at nagagalak niyang sambit kaya natulala ako.
“Teka-“
“No need for interview. Come on, I know and I already worked with you before, alam kong masipag ka.” Nakangiting sabi pa niya pero nag aalangan pa din ako.
“Pero, ayoko na sana ng kahit anong koneksyon kay Shawn.” Mahina at nakangusong sambit ko.
“Hindi natin parehas alam ‘yung tungkol dito. It’s just a coincidence, a good one. At kung ang inaalala mo eh kung sasabihin ko ba kay Shawn na nagta-trabaho ka ulit para sa akin?” Umling siya at ngumiti. “Hindi, hindi ko sasabihin.” Nakangiting pangako pa niya.
“Let’s keep it that way.”