Chapter 20

1337 Words
Denise Limang buwan na ang nakakalipas simula nung kinasal kami ni Shawn doon sa garden ng rest house nila sa De Hermosa. Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang wedding picture namin ni Shawn dito sa home office niya, habang inaalala ko ang nangyari noong kinasal kami noong February 7 yo’n at July 7 ngayon kaya special ang bawat ikapito ng buwan para sa smin ni Shawn. Judge ang nagkasal sa amin no’n at simple lang ang naging seremonya. Hindi man naging engrande ang naging kasal namin ni Shawn pero naging masaya naman kami nung araw na yo’n. “Love?” Napalingon ako nung marinig ko ang boses ni Shawn at doon ko siya nakitang nakatayo sa may pintuan ng office niya at mukhang kakauwi niya lang din mula sa city hall. “Nandiyan ka na pala.” Nakangiting salubong ko nung makita ko siya tapos ay lumapit ako sa kaniya at niyakap ko siya. Lagi na lang din kasi siyang abala nitong mga nakaraan kaya namimiss ko na siya dahil bihira na lang kaming magkita. “Kumain ka na ba ng lunch?” Malambing na tanong ko sa kaniya pero umiling lang at isang mabigat na buntong hininga ang binitiwan niya. “Hindi pa.” Nakangiting sambit niya pero bakas sa mukha niya ang pagod. “Sakto, nagluto ako.” Nakangiting sambit ko sa kaniya. “Hindi ka pa kumakain? 3 pm na?” Kunot noo at gulat na tanong niya sa akin kaya umling ako. “Hinihintay kita eh.” Sambit ko. “Late na, baka magkasakit ka kung lagi kang late kakain.” Kunot noong sermon niya sa akin. “Next time, don’t wait for me.” Mariin niyang sambit tapos ay dumiretso siya sa swivel chair niya dito sa office at binuksan ang laptop niya. “Hindi ka ba muna kakain?” Mausisang tanong ko sa kaniya pero umiling lang siya. “May isesend lang akong email.” Nakangiting sambit niya bago muling ituon ang atensyon sa screen ng laptop niya. Huminga ako ng malalim at napailing tapos ay naglakad ako papalapit sa kaniya at niyakap siya mula sa likuran. “Lagi ka na lang abala nitong mga nakaraang araw sa trabaho, magpahinga ka naman. Baka ikaw ang magkasakit niyan.” Malambing kong paalala sa kaniya tapos ay marahan ko siyang sinuklay at inayos ang magulo niyang buhok pero agad niyang hinawi ang mga kamay ko at saka siya humarap sa akin at hinila niya ako papalapit sa kaniya kaya napakandong ako sa kaniya. “You missed me?” Kunot noo at nakangisi niyang tamong tapos ay hinawakan niya ang mga pisngi ko. Ngumiti ako at tumango tapos ay hinalikan niya ang noo ko. “Kasi.. lagi kang nasa trabaho. Kahit weekends-“ “Kaya wala na akong time sa’yo?” Malambing na tanong niya tapos ay hinawakan niya ang mga kamay ko. “Pasensya na, Love. Promise, babawi ako.” Malambing pa niyang sambit kaya niyakap ko siya. “Huwag kang mag alala, naiintindihan ko naman, ayos na sa akin na lagi tayong magkasabay kumain-“ Napahinto ako sa pagsasalita nung may marinig kaming ingay mula sa labas ng kuwarto kung nasasn kami. Maya maya pa ay sabay kaming napalingon ni Shawn sa may pintuan nung biglang may kumatok. “Sir, nandito po ang mama niyo. Hinahanap ka niya. Gusto ka daw ho niyang makausap.” Napatingin si Shawn sa akin matapos marinig ang sinabi ng helper namin kaya tumayo ako at ngumiti sa kaniya para pagaanin ang loob niya at magkaroon siya ng lakas ng loob para harapin ang mama niya. Simula kasi nung ikasal kami, wala kaming narinig sa parents niya. Ni hindi nila kami pinuntahan at hindi din naman sila nanggulo. Kaya malaking kaginhawaan na yo’n para sa amin. Kaya nakapagtataka ang biglaan nilang pagpunta at pagpapakita lalo na ng mama ni Shawn. “Ano namang kayang kailangan nila?” Sarkastikong tanong ni Shawn. Sinundan ko lang siya palabas sa home office niya hanggang makarating kami sa garden kung saan naghihintay ang mama niya. Habang papalapit kami ay nakaramdam ako ng tensyon at kaba. Ito ang unang pagkatataon ko ulit na makikita siya matapos naming ikasal ni Shawn kaya hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Napabuntong hininga si Shawn nung makita niya ang mama niya sa garden habang matiyaga itong naghihintay sa kaniya. “Ma.” Iyon lang ang tanging sinabi ni Shawn na pumukaw sa atensyon ng nama niya kaya nakangiti itong humarap sa amin. “Anak.” Magiliw at nagagalak na sambit nito tapos lumapit siya kay Shawn at niyakap niya ito. “Ma, anong ginagawa mo dito. Kung may kailangan ho kayo, sabihin niyo na-“ “Anak naman..” “Gusto lang kitang makita at kamustahin.” Malungkot na sambit ni Tita Shantal sa kaniya pero huminga lang si Shawn ng malalim at umiling. “Matagal ka nang hindi pumupunta sa bahay. Ang kapatid mo naman bumalik na sa states at tumanggi siyang magsabi ng kahit anong balita tungkol sa’yo. Ni hindi mo nga kami inimbitahan sa kasal niyo ni Denise.” Sambit pa niya sabay sulyap sa akin sa likuran ni Shawn kaya para akong nataranta at isang malawak na ngiti ang binigay ko sa kaniya. “Are you kidding me, Mom?” Sarkastikong tanong ni Shawn sa ina. “Stop playing around.” “Ano sa tingin mo ang dahilan kung bakit hindi ko kayo inimbitahan sa kasal namin ni Denise? O kung bakit hindi ko sinabi sa inyo ang tungkol doon? Hindi niyo siya gusto hindi ba? Kaya-“ “Anak, It’s been months..” Dismayadong sambit ni Tita Shantal habang pinapakalma ang anak niya. “Actually.. nandito ako dahil.. dahil gusto kong makilala ang asawa mo. Gusto ko kayong imbitahan na mag dinner sa bahay. Your dad misses you anak.” Mariin pero nag aalangan at may pagmamakaawang paliwanag ni Tita Shantal tapos ay tumingin siya sa skin at ngumiti. “Denise.. I know we’re not in good terms. But I would really appreciate if you and Shawn will come to that dinner.” Nakangiting sambit nito tapos ay lumapit siya sa skin at hinawakan ang mga kamay ko. “Gusto ko lang bumawi sa inyo, lalo na sa’yo, Denise. Aaminin ko, nagkamali ako ng husga sa’yo. You are such blessings to my son, mas napalapit si Shawn sa mga taga San Lorenzo dahil sa’yo.” Nakangiting sambit at papuri niya pero hindi pa din ako komportable. Napa angat ako ng tingin kay Shawn at wala akong makitang emosyon sa mga mata niya. “Ma, may kailangan pa po kaming gawin.” “Pag iisipan namin iyong about sa dinner. I’ll check my schedule. Let’s go, Love.” Mariing sambit ni Shawn tapos ay kinuha niya ang mga kamay ko at hinala ko papalayo sa mama niya. “Gano’n ba? Okay, I know you’re both busy pero hihintayin namin kayo mamaya ah.” Nakangiting paalaam ng mama niya bago kami tumalikod ni Shawn at muling pumasok sa loob ng mansyon. Nung makapasok kami sa loob ay mahigpit pa rin ang hawak ni Shawn sa mga kamay ko. Huminto ako sa paglalakad kaya naman huminto din siya at saka niya sko nagtatakang nilingon. “Why?” Kunot noong tanong niya sa akin kaya nag aalangan akong nagsalita. “Hindi ba tayo pupunta sa dinner ng parents-“ “Hindi ba nakakapagtaka? After all these months of no contact eh bigla bigla silang pupunta dito at makikipag ayos?” Mariin at dismayadong kuwestyon ni Shawn. “Hindi natin alam kung anong plano at binabalak nila lalo na sa’yo. We both know the situation, Love.” Mariing katwiran ni Shawn pero nakaramdam ako ng konting guilt, paano kung gusto naman pala talagang makipag ayos ng Mama niya? Ayoko namang ipagkait siya sa magulang niya. At ayokong maging dahilan kung bakit mas malalayo ang loob niya sa kanila. Napabuntong hininga ako at napailing tapos ay nag angat ako ng tingin kay Shawn na nag aalalang nakatingin din sa akin. “Bakit? Gusto mo bang pumunta?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD