Lucifer pov Sunday ngayon at andito ang anak ko kasama si Bright na tinutulungan akong mag bihis. " Hoy bata sino nagbigay sayo ng pahintulot na pumunta dito?" Toink! Binatukan ako ni Vana. " daddy ako nagpapunta sa kanya dito para tulungan ka naming magbihis sa first date mo kay Mara." tulungan daw pero nakaupo lang ito. Tinignan ko si Bright na kampante itong nakaupo sa sofa ng kwarto ko. Aga aga na ligaw ha.. " Bright hindi ba ang gwapo ng daddy ko.,kasing gwapo mo siya? " Vana " kung yan ang tingin mo ay Oo nalang ako. " Aba! Matindi kung sumagot ang batang ito. " see daddy... perfect talaga kayo ni Mara." Inaayos ng anak ko ang kwelyo ng polo ko. " Vana friendly date lang kami ni Mara, wag mong bigyan ng ibang meaning yun. " " Still its a date daddy. " Wag na kontrahin

