Vanadey pov
Grabe ngayon lang siya nagalit saakin ng ganun. Biglang pumasok si Xuen na nakabusangot ang mukha...
" girl tabi tayo,!"
" wae?"
" Nag away kami ni Froglots" tsaka humiga na ito.
"nado" sabi ko
- me either
" sobrang selos nila kina Tristan at Kurt"
" ano pinag awayan niyo?" humiga na din ako.
" sinabi ko lang kasi na sweet yung dalawa"
" same.. hayun nag walk out siya."
" same" sagit din ni Xuen.
" bahala sila bukas."
Agad na bumangon si Xuen kaya nagulat ako.
" hala gagawa pa tayo ng cake bukas ng umaga."
" Oo nga pala.. Teka tatawagan ko si Aira."
Calling Aira
"hello Ai, ano oras daw magbabake ng cake bukas?"
Aira: depende kung anong oras kayo uuwi
" ganun ba, ah ask ko lang sana si casper if kamusta siya. Salamat pala sa pagpapakain habang wala ako."
Aira: ok lang siya... Napakain ko na pagka alis ko.
" ha saan ka pupunta,, gabi na ah? "
Aira: bahay ni Jullian
" ohh ang sweet naman... Sige ingat"
Tsaka ko binaba.
" oh anong oras daw?"
Kinikilig ako kay Aira at Doc Jullian.
" girl tinatanong kita..."
" depende daw kung anong oras tayo makakauwi."
"eh bakit kilig na kilig ka diyan!? "
"si Aira at Doc Jullian kasi... mukhang may something na sila. Papunta daw siya sa bahay ni Doc Jullian"
" akala ko naman kung ano na... Pero alam mo, yung si Doc Jullian may hawig sila noon ng kapatid ko..."
" ha? Kapatid?... May kapatid ka pala"
"Oo kuya ko siya... namatay kasi ito sa pagsabog ng sasakyan noon. Grade 8 na siya noon at ako grade 7. Sabi ni papa ay may nagpasabog daw. Hindi ko na alam ang kwento."
" sayang ano, siguro ang gwapo na ngayon ng kuya mo. Baka pwede pa niyang maligawan si Aira. "
" True girl, kaya mula noon halos trabaho na ang ginagawa ni papa kasi wala na siyang tagapag mana ng companya. "
" teka ano na kaya nangyari sa dalawa?"
"hayaan mo sila nag iinarte kaya bahala sila...sa labas sila matulog!"
Nag alala agad ako kay Lucifer, ku g bakit naman kasi nagalit agad agad.
Lucifer pov
Lumabas kami ni Aim ng bahay at dumerestso sa labas ng gate.
" nakakabwisit!" pagdadabog ni Aim
" mukhang mas bet na nila yung dalawa kesa saatin. " sabi ko.
" at sa tingin mo magpapatalo tayo doon sa dalawa?"
" ikaw kasi hindi ka talaga marunong maging sweet sa kanya."
Hinarap naman niya ako.
" hoy Lucas, sweet din ako.. Ang kaso yung babaeng yun puro mali ang nakikita saakin. "
" maglambing ka nga kasi minsan para kang si Aira"
" mas malala naman siya kesa---"
Biglang lumabas ang dalawa sa dilim
Sina Tristan at Kurt may dala dalang baseball bat.
" anong kailangan niyo?" tanong ni Aim
Tsk madehado ulit kami dito.
" wala naman, gusto lang namin ng magpapawis... Kayo ba?" saad ni Tristan
" sakto mainit ang ulo ko.." sagot naman nito.
" kanina kayo ang nanalo, tignan natin kung mananalo pa kayo sa gagawin namin sa inyo!" Kurt
Agad silang sumugod saamin. Agad akong nakaiwas sa hampas ni Kurt ng baseball bat saakin.
" duwag niyo naman, kami walang armas kayo meron!" sabi ko sa kanya.
Buti pa si Aim nakaka score na,. Ako iwas iwas lang.
" tama nga pala ang nalaman ko sayo, ikaw ang pinaka mahina sa lahat. Paano mo pa kaya maitatanggol si Nana kung sakali?"
Nainis ako sa sinabi niya.
" bakit hindi ka lumaban ng patas ng malaman mo kung ano yang sinasabi mo!"
Ngumisi naman ito at tinapon ang baseball bat.
" patas na... Siguro naman--"hindi pa niya natatapos ang sinasabi nito ng suntukin ko ang panga niya.
" wow! sarap nun ah, " pagmamayabang pa niya.
Inambangan naman niya ako ng sipa sa mukha kaya napasubsub naman ako.
" hahaha weak! "
" Ano ba kailangan niyo sa amin at pati sina Vanadey ay sinasali niyo?"
" ang totoo niyan, kayo lang ang puntirya namin, nagkataon lang na kababata namin si Susu.. at nabighani ako kay Nana."
Tumayo ako at nakipagsagutan ng suntok sa kanya. Mas malakas nga siya saakin pero hindi ako magpapatalo sa kanya. Tama na si Taehzy ang karibal ko pero ang isang ito hindi siya dapat sumali.
" ano kaya magagawa mo kapag nahawakan ko ang katawan ni Nana, tsak napakakinis ito. Ang sarap halik halikan ulo hanggang sa baba... Hmmm" pag iinis niyang sabi.
Natatamaan man niya ako ay hindi naman ako nagpapatalo, iilang suntok ang natatanggap niya ngunit napapaaray naman ito sa sakit. Ang suntok nito ay parang kasing sakit lang ng pagtama ng heels ni Mama.
Pero isang hakbang nito ang hindi ko inaasahan...
Nakuha niya ang baseball bat at hinampas niya sa mukha.
" hindi pa tayo tapos Lucifer... Magkakaharap pa tayo!" ang huling narinig ko mula sa kanya.
" Lucas! Lucas!" boses ni Aim
Tae nun, nahilo ako sa hampas niya.
Maya maya ay bumalik na ako sa pagkatino.
" asan sila?" tanong ko
" tumakbo na, natalo ko si Tristan... Ikaw ba? "
" nakita mong hinampas ako eh! Nagtanong ka pa.."
Pinatayo naman niya ako.
" tangna naman... ano ipapaliwanag natin sa dalawa... Tignan mo mukha natin parang binolabola.. Lamog na lamog."
" hindi pa ako bihasa sa laban alam mo yan Aim.. "
" tsk... may nalaman ka ba sa Kurt na yun? "
" Meron, may balak sila kina Vanadey.. Mukhang tipo niya talaga si Vanadey... At ang sabi magkakaharap pa daw kami"
" ako, nalaman ko na member sila ng TaengCo group. Binantaan niya ako na hindi daw niya papalampasin na hindi makuha ang katawan ni Xuen, ke gago!"
Napaupo kami sa kahoy na malaki.
" kailangan nating bantayan ang dalawa..."
Isang sigaw mula sa silid nila Xuen ang narinig namin. Kaya agad kaming tumakbo papunta doon.
" Xuen! "
" Vanadey! "
Nagising din ang mga matatanda kaya agad agad kaming umakyat.
" anong nangyayari!!? " tanong ni lolo
Hindi namin pinansin dahil sa takot na may nangyari sa dalawa.
Sa kwarto namin nakita na nakahiga si Vanadey. Agad kong binuhat pahiga sa kama.
" anong nangyari dito?"
" kasi nakahiga kami, nagkwekwentuhan kami biglang may taong pumasok sa pintuan nakaitim ito.. May hawak na injection.... bigla nalang niyang tinusok sa leeg si Vanadey. Sa takot ko sumigaw ako...!"
Tinignan ko ang leeg niya, may kung anong kulay pasa ang bumakat sa leeg nito.
" sinong tao yun, nakilala mo ba? "
Bakit parang may mali.
" na-nakatakip ang mukha nito... Lucifer may dala dala siyang Espada... Nakakatakot ang mata niya! "
" kailangan ko ng mainit na tubig at isang dimpo!" sabi ko
"sandali at kukuha ako.!" Anti Esther.
" ikaw hindi ka ba nila sinaktan?" tanong ni Aim kay Xuen.
Tinignan ko si Xuen, na kinakabahan.
" hindi kasi sumigaw agad ako."
Niyakap naman niya si Xuen.
" Pero iho bakit mukhang napaaway ata kayo... Bakit ganya ang mga mukha niyo?" lola
" napaaway po kami sa labas lola.. hindi namin sila kilala." pagsisinungaling niya.
Dala dala ni Anti ang isang planggana na may mainit na tubig tsaka niya inabot saakin ang dimpo.
" salamat po"
"paano nakapasok ang taong yun dito?" Anti Esther.
Dinampian ko ng basang dimpo ang leeg ni Vanadey.
" anong klaseng pasa yan sa leeg ni Nana, may mga ugat ugat pa na mapupula" lola.
Oo nga, naglalabasan na ang mapupulang ugat sa leeg nito.
" Aim, tawagan mo nga si Fairy sabihin mo sa kanya ang pasang meron kay Vanadey"
Tumango naman ito.
" Lucifer... anong mangyayari kay Vanadey?" tanong ni Xuen.
" hindi ko pa alam..."
" gosh ano bang nangyayari saatin.. Kanina binalak nilang panain si Vana.. Ngayon heto siya...!"
" Iho tawagin mo kami kapag may kailangan kayo saamin... nasa baba lang kami" sabi ni lola
Tumango lang naman ako. Ngunit. Ang tingin ni Anti Esther ay may ibigsabhin... may alam kaya siya tungkol dito?
Naiwan kaming apat dito sa kwarto.
" Lucas ang sabi ni Fairy ay isang kemikal na.... Wolfsbane"
" Wolfsbane?... Aconite?"
Tumango siya.
" anong wolfsbane?" tanong ni Xuen.
" wala... Aim ihatid mo si Xuen sa kwarto nito... Ako ng bahala kay Vanadey... humihilom na din ang pasa nito..."
Binigyan ko ng tingin si Aim kaya nalaman na niya agad.
Parang sleeping beauty lang natutulog si Vanadey.
" I'm sorry Vanadey. Kung hindi ako nagtampo ay hindi mangyayari sayo ito."
".... hinding hindi na ako lalayo sa tabi mo kahit kailan. Handa kong ibigay ulit ang buhay na meron ako."
Hinintay ko muna itong mawala ang pasa tsaka ko tinabihan itong natulog.
Kinabukasan.
Nagising ako na wala na sa tabi ko si Vanadey kaya napabalikwas ako. Bumaba agad para hanapin sila. Nagkwekwentuhan silang tatlo.
" oh gising na pala si Doc eh. " Xuen.
Nakabihis na sila pati si Aim
" saan kayo pupunta?" tanong ko
" malamang Lucas uuwi na, dahil hinihitay na tayo nila lola Aeal."
Oo nga pala ang Princess Orphan.
" bakit hindi niyo ako ginising?"
" ayaw ni Vana dahil napuyat ka daw nagbantay sa kanya." Xuen
Tinignan ko si Vanadey na namumula..
" maligo ka na at kakain na tayo bago magbiyahe" Aim
Napangiti naman ako... Balik na kami sa dati.
Isa nalang ang gumugulo sa isipan ko.
Paano nakapasok ang taong yun at si Vanadey lang ang pinuntirya??