29

1762 Words
Aira Pov Papunta ako ngayon sa hospital para dalhan ng pagkain si Jullian., 8pm na pala kaya alam kong gutom na yun. Habang naglalakad ako. Isang babae ang napansin kong kagagaling sa kwarto nito. Kung nurse man ito bakit naka kulay pula? At may napansin ako na bagay sa kamay nito. Tsk.... Tama nga ang hinala ko. Pumasok ako at padabog kong sinara ang pinto. Nagulat naman siya.. " Mukhang badmood ang lalabs ko ah!" " kumain ka na ba? o busog ka na sa babaeng nakapula.!?" sarcastic kong sabi. Padabog ko din binaba ang tupperware. " hindi pa ako kumain, hinihintay kita." Sinulyapan ko ang side table niya na may tupperware at mga prutas. " bakit di ka pa kumain gayong may nagdala naman sayo. " Lumaki ang mata nito.. " ah kasi.. ano--" " kumain ka na, aalis na ako dinala ko lang ito dahil niluto nila Vanadey. " Hindi niya ako matignan ng deretso. Alam kong may nililihim siya saakin at saamin... Matagal na... Kaya nga halos ayoko sa kanya pero dahil sa araw araw niya akong kinukulit...nahuhulog na ako sa kanya. Hindi naman ako tomboy. Ayoko lang sa girly things gaya ni Ayvah. " Pero gusto kong makasama ka kumain." "kumain na ako sa talyer. Binigyan din nila ako." Nag cross arm ako sa harapan niya. " ano mo si Lady in red?" derestso kong tanong. Hindi ako ganun katanga para mauto Jullian... Kaya ngayon palang umamin ka na. Hindi ito sumagot. " Ako nalang sasagot sa sarili kong tanong,. Ang babaeng yun ay asawa mo hindi ba?, nandito siya para kamustahin ka dahil siya ang nakabaril sayo, na hindi naman dapat mangyari" Napayuko ito. Kung ganun lahat ng hinala ko noon pa man ay totoo.. Flashback " Ano na naman ginagawa mo dito?" Nakapostura ito at may dala dalang bulaklak. " syempre aakyat ng ligaw.!" sagot nito. Confident na confident niyang sagot. Inabot niya sa akin ang bulaklak ng may nakita akong singsing sa kanyang daliri. Alam kong wedding ring yun,. Napangisi ako at sinuntok ko siya sa mukha.. " oh my gosh Aira bakit mo sinuntok si Jullian, ikaw talagang bata ka.!" inakay niya si Jullian upang makatayo. " ayoko ng flowers." yung lang ang nasabi ko. Inirapan ko ito tsaka umakyat sa kwarto ko. Sana pala umuwi na ako sa bahay ko kanina. Ang lakas niyang dumalaw habang suot suot yun. End of flashback " hindi ako kasing tanga nila para mapaniwala sa mga kabaitan mo Jullian. Hindi ko din alam bakit mo ginagawa ito" Umangat siya ng tingin. " Aira... Maniniwala ka ba kapag sinabi kong totoong mahal kita!?" " Hindi... Dahil alam ko, simula palang may lihim ka na. Ang pagiging magkaibigan niyo ni Lucifer, ang pag aaral niyo ng sabay,.. pagtratrabaho sa iisang hospital.. Halatadong planado at may kailangan ka saamin. " " hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sayo ang lahat. " " hindi ko kailangan ang paliwanag mo... pero ito lang ang gusto kong malaman mo, Sinira mo ang tiwalang namumuo... ngayon napatunayan ko kung ano ka. Ako makakalaban mo kapag may ginawa kang hindi maganda sa angkan ko.! " Aalis na sana ako ng magsalita ito. " Pinakasal ako sa babaeng ayaw ko, pinakasal ako para gamitin lang Aira. Sana paniwalaan mo naman ako kahit ang pagmamahal ko sayo. " " kung talagang mahal mo ako, hindi mo kami tratraidorin.... Buong angkan ang nagtiwala sayo. Tinuring kapamilya..." " I'm sorry Aira... pero maniwala ka. Hindi ako ang traidor. " Humarap ako sa kanya na pumapatak ang luha. " Alam mo bang mahal na din kita! Kaso nang nakita ko ang babaeng kalalabas lang kanina nakaramdam ako ng sakit., sakit dito" tinuro ko ang puso ko. " pero ngayong alam ko na ang lahat. Hindi ko alam kung mapapatawad pa kita. Wag kang mag alala hindi ko pa sasabihin sa kanila lalo na si Lucifer." At doon na ako lumabas. Pinahid ko amg luhang pumapatak sa aking pisngi. " hindi na ako mag mamahal ulit.. lalo na sayo Jullian" Bumalik ako saglit sa talyer para kunin ang gamit ko,. Umuwi ako at dumeretso sa kwarto. Naligo ng isang oras. Binabad ang katawan ko sa bathtub... Doon pinagpatuloy ang luha na ngayon ay iyak na. "lintik naman oh! Kung kelan mahal mo na yung tao tsaka pa nagkatotoo ang hinala ko...!" Matapang naman ako eh, pero sa ganitong sitwasyon sobrang sakit pala. Bakit ganito ang simula? Bakit ganito pa nararamdaman ko? Bakit agad agad sakit ? Hindi ko na namalayan na ang luha naging hagulgol na... Kinabukasan Pagkababa ko nakita ko si Fairy na may dala dala. Sumunod naman si Vana na bumaba. . " Ano naman yan?" tanong ko " pinabibigay ni tita Aeal." Fairy Maya maya ay.. Bumaba na din si Xuen. Mugto ang mga mata. Buti nalang saakin hindi gaano halata. " goodmorning Xuen!" sabay sabay naming bati. " goodmorning too girls.. Bakit yan!?" turo niya sa hawak ni Vana. " ano ka ba girl, hindi mo ba alam ito?" " alam ko, pero tinatanong ko bakit meron ganyan diyan!?" " oh aga aga nagsusungit ka!? Bakit nag away kayo ni Aristotle?" tanong ko. " Halata ata kasi mugto mata niya" Fairy . Pareho pala kaming heartbroken. " busog lang sa tulog... Teka bakit ba kasi yan?" " Pinadala ni Tita Aeal," " Pagbake ng cake. Gusto kasi nila tayong maga girls ang magbabake ng cake at cup cake para sa mga bata sa Princess Orphan." "Kelan naman!?" tanong niya. " sa susunod na araw... pero sabi ni Vana ay aalis kayo papuntang Ecija.". "Yah.. Dadalawin ko sina lola." " Sayang sama sana kami kaso daming gagawin sa lab. eh." " nextime nalang Fairy isang araw lang naman kami." " mag iingat kayo" bilin ko sa kanila. " salamat..." Nagtimpla na ako ng kape at derestso sa garahe. Ganito parati ang morning routine ko.. Dito ko lang kasi nararamdaman na kasama ko parin si Papa. Pinalaki ako ni Papa na maging matapang at maging malakas. Papa once said " hindi kailangan maging Princessa ka sa mata ng mga lalaki. If they love you... They accept who you will be.. But for me you are my little Miss Strong.. My Little Talyer " " someday my Little Miss Strong will be loved to the guy you loved the most.." Kaya hindi ko hinangad magkaroon ng lovelife dahil ang para sayo ay may tamang panahon at darating tsaka sasabihin niya ang mga salitang tatama sa puso mo. Tatama nga kaso masakit.. -_- Sana noon palang iniwasan na kita. Lumayo na ako ng tuluyan para hindi umabot sa ganito. Nasa tutula stage ako ng dumating ang dalawa. " Aira sila Vanadey? "tanong ni Lucas. " kanina pa sila umalis ah.. Bakit hindi niyo ba alam?" " Ano!? "duet pa nila " eh pumunta na sila sa Ecija. " bakit parang nabigla sila eh, ang alam ko alam nila. " anak ng--ang bilin namin ay sasama kami sa kanila. Ang tigas talaga ng ulo ng babaeng yun. " " Wala naman ako alam kasi sa usapan niyo." " pahiram ng phone Lucas.. " Pinapanood ko lang sila habang nagkakape. Kita mo ang mga ito. Problemado din sa lovelife.. Tsk Kakaiba talaga pag LOVE ang usapan. Nakaka hinayupak nga talaga. " yan kasi pinapairal ang ka artehan, may pa acting acting ka pa diyan. Ayan tuloy natakasan tayo" sabat naman ni Lucifer " inasikaso ko nga yung surprise ko sa kanya." " uwi na tayo nasa bahay charger ko...kokontakin kita kapag natawagan na sila." At ang mga bastos hindi man lang nagpaalam sakin. Pagbawalan ko kaya silang pumasok sa bahay ko. Abay ginagawa na nilang hotel ang bahay ko. Isang tawag ang pumukaw sa pag iisip ko Ayvah-liw calling " oh" sagot ko " ate lalabas na daw si Doc Jullian, tinatanong ka kung pupunta ka daw dito sa hospital" kapatid kong nakalunok ng megaphone. " busy ako..." ayun pinatay ko na. Umakyat Naligo Nagbihis Tsinek ko ang mga gamit ko. Ako muna ang incharge makasama nila lolo sa HQ dahil wala ang dalawa. Tumunog ulit ang phone ko JULLIAN calling Hindi ko sinagot pinagpatuloy ko ang pag aayos ko ng gamit. Sarado ang talyer ko ngayon dahil off day namin. Bukas ulit ang bukas nito, pero absent ko dahil sa Event sa Orphan. HQ: " oh Aira bakit maaga kang nandito? Labas ngayon ni Jullian ah, hindi mo siya pupuntahan?" tanong ni lolo King. Binaba ko ang bag ko tsaka dumeretso sa kusina para magtimpla ng kape. " Apo tinatanong kita" " lolo busy ako..." " palusot mo Aira. Ayaw lang niya makasama si Doc." sabat ni Clark " Apo may problema ba?" lolo king. Oo nga pala lakas ng radar nito. " Lolo hindi ako yaya niya para mayat maya ay binabantayan siya." " Ok fine... Hindi na ako magtatanong. Tsk manang mana ka sa late lola Maleficent mo. Ayaw ng tinatanong." " Lolo yaan mo yan baka mamaya ay pupuslit yan para silipin si Doc hahaha" Donovan Binato ko nga ito ng kutsara. " lolo oh!" sumbong niya. " by the way Aira.. may ipapaayos kaming files. Kunin mo kay Rain. Siya na ang magsasabi ang nilalaman ng Files." Lolo Bullet. " lolo LQ kayo ni lola Aerea?" biglang tanong ni Gayatari. Napalingon naman ako kay lolo Bullet. " ay naku nagtatampo kasi ito dahil halos dito na daw ako tumira." " Uwi ka na din kasi Lolo kami ng bahala dito" Laikyn na may hawak hawak na tablet. " Oo nga,.." sabat naman ni lolo King. " Oo na... tsaka bakit ikaw di ka ba uuwi?" tanong niya kay lolo King " kauuwi ko lang ah, kagabi pa ako umuwi. Kasunod ng dalawa." " Kamusta na kaya ang dalawa nakarating na kaya sila?" Lolo Bullet " hayaan mo sila ginusto nila ang mga babae nila.. Hanggang ngayon buhay na buhay pa din ang lahing torpe at lahing baliw." Lolo king Natawa naman ako sa sinabi nila. Minsan noong bata ako hindi fairy tales ng mga Disney ang kinukwento saakin ni Mama noon, kundi ang mga lovestory nila Lola Dua, Lola Maliyah at Lola Maleficent. Buong akala ko ay magagaya kami sa kwento nila no to be MAFIA PRINCESS kaso hindi lahat. Because.. Someone treated you like a toy. Someone betrayed you.. Someone plays you.. And someone who hurts you.. " Ah apo!" "yes lolo?" " kanina ka pa namin tinatawag... may problema ba apo?" Lolo King " nothing po. Lolo sa underground muna ako.. Exercise lang for 30 minutes. " Tumango naman ito sa akin. Dito sa underground ang tambayan ko maliban sa talyer. Kinuha ko ang baril at nag shoot ako. Dito ko kasi nilalabas ang galit at sama ng loob ko. Nagiging kalma ang puso ko kapag hawak hawak ko ang mga baril. Next ang bow and arrow. Archery ang isa din sa hilig ko. Halos mahati sa dalawa ang pagtira ko. Next flying dagger dito ako plantsado. Kahit nakapikit ay bullseye ang tira ko. " You can't hide that feeling do you?" Lumingon naman ako sa nagsalita. " anong ginagawa mo dito?" --to be continue...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD