Nakita ko na bahagyang lumapit si Mirna sa gitna ng kalsada kaya nagdesisyon ako na gamitin ang kakayahan ko ang hangin pero hindi ko pinahalata sa dalawang bata. Napapikit ako at inisip na isang panang matulis ang hangin na tinawag ko at tumama sa kanila sapat na para makatakas kami. Nagulat sila sa pagatake ko kaya napa takbo si Mirna pabalik dito sa sasakyan namin at umandar na ito. Nakalayo na kami ay wala pa rin kaming imik sa isa't isa si Mina ay nakatulog na at si Exel ay kanina pa tahimik. "Kayo po gumawa noon di po ba?" Nagulat ako ng magsalita bigla si Exel at nagniningning ang mga mata niya. Napangiti ako at napatango sa kanya. "Ang galing niyo po sobra ngayon lang ako nakakita ng ganun na elemento na ginagamitan ng matutulis na bagay at mula pa ito sa taas." Napailing n

